Mabilis na lumipas ang mga buwan. Lumaki na nang tuluyan ang tiyan ni Ireta. Pero tuwang-tuwa siya sa kabuuang proseso ng pagbubuntis. Hindi siya gaanong nahirapan, sapagkat si Lukas ang mas dumanas ng pagsama at pagbigat ng katawan imbes na siya. Pero sa kabila niyon ay hindi pa rin nito nakakalimutang alagaan siya. Lahat din ng pagkaing gusto niyang kainin ay ibinibigay kaagad nito sa kanya. There was even a time when he went to Bacolod via private chopper, just to buy Napoleones for her. Isa iyong layered puff pastry na may creamy custard filling at glazed ng asukal sa ibabaw. May importanteng kliyente pa dapat itong kakausapin nang araw na iyon, subalit hindi man lang nagdalawang-isip si Lukas na kanselahin iyon para lang lumipad patungong Bacolod at mabili ang pagkaing gusto niya. N

