Arkonis: 09xx-xxx-xxxx Nagsalubong ang mga kilay ni Ireta nang makita ang mensaheng direktang pumasok sa bagong number niya. Imposibleng alam na agad nito ang pribado niyang numero. Nang durugin kasi ni Lukas ang dati niyang phone ay hinati rin nito sa dalawa ang SIM card niya, para hindi siya ma-contact ni Edilbar at ng iba pa niyang mga tauhan. Tinulungan siya ni Proserpina na mapalitan agad ang nasira niyang aparato. At hindi alam ni Lukas iyon. Paanong alam agad ng Arkonis ang pribado niyang numero? Nag-reply siya. Ireta: Who the f*ck are you? Arkonis: ... Walang matinong sagot? "Sh*t!" Pinaglalaruan siya ng CEO ng Arkonis. Tinipa niya ang numerong ibinigay nito at pinindot ang call button. Dinig niya ang tunog ng ring sa linya. Habang hinihintay na may sumagot ay panay ang p

