"In love? Are you trying to make me laugh or p**e? Bakit ba pinagpipilitan n'yo sa akin ang pagmamahal na iyan? I am not in love! I will never be in love!" Nagtatagis ang mga bagang ni Lukas, at naniningkit sa pinaghalong pagkapoot at pagkainis ang mga mata niya. Bahagyang bumaba sa sahig ang tingin ni Morris, umiling ito sabay ayos sa tulay ng salamin nito sa mata. Bumuntong-hininga ito, bago muling nag-angat ng mukha at tumingin sa kanya. "You will never be in love?" paniniyak nito, parang nanghihingi ng beripikasyon kung gaano katotoo sa loob niya ang sinabi. Ngumisi siya. Sigurado siya sa isasagot dito. Puno ng tigas ang boses niya nang sabihin niya ang katagang, "Never." "Tsk. And you're just obsessed with your wife?" tanong ni Morris sa kanya. "Igigiit mo talagang iyan lang ang na

