Chapter Fifty SEBASTIAN DAHIL sa mas tumataas na bilang ng mga krimen na nagaganap sa aming bayan ay nanatili kami sa checkpoint na papasok dito sa San Joaquin. Aming tinitingnan ang lahat ng papasok at palabas sa aming lugar ng sa ganoon ay malaman namin kung may kanina-hinala ba sa kanila o wala. Mabuti na iyong sigurado dahil sa kabilang bayan ay may naibalita na namang k********g incident kung kaya doble ang aming pag-iingat. Nang makipagsalitan si Matias sa akin ay naupo muna ako sa lilim ng punong Acacia. Pagka-upo ko ay saka naman tumunog ang aking cellphone. Si Sam ang tumatawag. Nagpaalam kasi sila na mamasyal sa SM kasama si Steven at ang kanyang mga kaibigan. Kaysa naman mabagot siya sa bahay dahil kasalukuyan pa rin siyang nagpapagaling ng kanyang sugat. “Mahal!” aniya

