ISANG magandang umaga ang nasilayan ni Lara paglabas nito ng kanilang kwarto. Tuloy tuloy ito hanggang sa kusina, nang makita niyang nag-aayos si Manang Rosita sa kusina. "Magandang umaga Manang." nakangiting bati ni Lara sa matanda. "Ang saya natin anak ah! Anong mayroon? Kagabi lang ang lungkot lungkot mo, nagugutom kana ba? Naku halika nga at ipaghahain na kita!" "Salamat po Manang, sige po kakain na po ako. May pasok pa po ako mamaya, gusto ko po sanang dalhan si Dylan ng lunch sa office niya." biglang lumawak ang ngiti ng matanda. "Sabi ko na nga eh, hindi karin niya matitiis. Nagpakita rin siya sayo sa wakas!" napatakip naman sa bibig ang matanda, huli na ng maisip niya kung anong nasabi niya. "Hmm.. Manang, ibig bang sabihin alam niyong umuuwi dito si Dylan gabi-gabi? Hindi ta

