LARA POV : NAGISING ako dahil sa mahihinang tapik sa aking balikat. Ramdam ko pa ang tila humahaplos sa aking mukha. Pagdilat ko ng aking mga mata ay ang nakangiting mukha ni Manang Rosita ang aking nabungaran. Naku! Nakatulog pala ako, bigla akong napabalikwas ng bangon ng maalala kong ngayon ang kasal namin ni Dylan. Sinipat ko pa ang orasan at nanlaki ang aking mga mata nung makita kong ala una na pala ng hapon. "Naku! Pasensya na kayo Manang napasarap ang tulog ko! Nasaan po pala si Dylan?" tanong ko dito. "Nasa baba lang iha, inutusan niya ako para gisingin ka, hindi kaba nagugutom? Hindi kapa kumain iha." dahil sa sarap ng tulog ko ay nakalimutan ko naring kumain. "Kumain kana muna anak, tapos mamaya maghanda kana. Nakahanda na ang mga gagamitin mo mamaya para sa kasal ninyo ni

