DYLAN'S POV : KANINA pa ako naguguluhan, ano bang mayroon sa painting ko at nagiging emosyonal ito? Kanina pa ito tanong ng tanong sa akin. "Did you liked the painting babe? She's beautiful isn't it?" tumango tango naman ito, kasabay ng pagpunas nito sa kanyang pisngi. "Yeah, ang ganda Dylan, ang ganda ganda niya. Hindi ko akalain na makikita kong muli ang inosenteng mukha ng batang ito." sabi nito sa akin na lalong nagbigay sa akin ng kalituhan. Ibig bang sabihin nito kilala niya ang batang ito? "Naguguluhan na talaga ako babe, kilala mo ba ang batang ito?" I asked her seriously upon looking into her eyes at tumango naman ito sa akin. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit ng mahigpit kasabay ng pagyugyog ng kanyang mga balikat. "Hey, hey stop it! Kanina kapa iyak ng iyak!" "Thank y

