DYLAN'S POV : "Anak, bisitahin mo naman ang mga Lolo at Lola mo sa Cagayan. Namimiss kana nila anak." simula noong namatay si Daddy ay hindi ko na sila nakita pa, hindi na ako umuwi pa ng probinsya kagaya ng ginagawa namin dati noong maliit pa ako na nagbabakasyon kami sa tuwing wala ng pasok sa school. "Kumustahin mo rin sila anak, lalo na ang Lola mo ikaw lagi ang bukambibig nun. Kahit tawagan mo lang sila anak, mahina narin sila gusto ka nilang makita bago man lang sila mawala sa mundong ito." biglang kinurot ang puso ko sa sinabi ni Mommy, dahil sa galit ko sa kanya pati ang mga Lolo at Lola ko nakalimutan ko narin. "Yeah, some other time! I'm a busy person kaya umalis na kayo kung aalis kayo, tutal sanay naman ako wala ka, lumaki naman ako kahit na wala ka!" nakita ko ang pagbabago

