beach 2

1502 Words
5:30 na nanghapon ng lumabas na siya ng kwarto nila . ng makapag pasya na siyang lumabas dahil alam niyang siya nalang yata siguro ang hindi pa lumalabas baka naman may masabi pa ang mga katrabaho nila pinuntahan pa naman siya sa bahay . kanina pa naman siya inaaya ni gina ngunit parang tinamad siya gusto na muna niya magpahinga at kinukulikot ang kanyang cellphone dahil may e upload siya sa kanyang i********: para sa bagong pictures. Nang makalabas agad bumungad sa kanya ang mga tao na tinitignan pala siya nito. "sabi ko na nga ba ako nalang yata ang hindi pa lumalabas. Nakakahiya ! '- sa isip isipan niya. Nasa ibat-ibang mga upuan ang mga ito dumiritso siya sa kinaroonan nina gina at ang dalawang sam niyang kaibigan (samanta and Samuel) . "bat ang tagal mo? .'- tanong ni gina sa kanya, Nginitian lang niya ang kaibigan sabay upo sa may extrang upuan sa kanyang harapan. " kumain kana tapos na kami nag order na ako para sayo .'- tugon ni gina. "thanks. '- sagot niya Tumingin siya sa paligid mukhang wala rito ang boss ah . kung sa bagay baka sa vip ito nag hapunan. Habang kumakain nakikinig lang siya sa usapan ng tatlo. "ang yaman pala talaga ng kaibigan mo no. '- tanong ni samanta. "yes, actually ayaw na ayaw niyang sinasabihan siyang mayaman. '- sagot nito. "really, kaibigan mo pala si sir Andrew akala ko bartender kalang niya, '- tanong ulit ni gina na nakikifeeling close. "yes, im hes business partner sa lahat ng bars niya dito. magkaibigan na kami since college ."- sagot ni samuel. si Samuel ay isang simple lang ang buhay nagkakilala sila ni Andrew sa school na parehong pinapasokan nila pareho silang varsity sa basketball kaya naging magkaibigan sila. galing si Samuel sa barko dahil pagka graduate sumampa siya sa barko para mag trabaho. bilang isang bartender doon nag ipon at ng umuwi siya sa pilipinas inalok siya agad ni Andrew upang maging isang business partner nito 30% lang ang kanyang naiinvest sa bar kaya boss niya parin si Andrew kung tutuusin. " bakit ayaw niyang malaman ng iba na mayaman siya. '- tanong naman ulit ni gina . "kasi gusto niyang patunayan sa magulang na kaya niya rin kahit wala ang mga ito .'- sagot ni samuel. "ganoon ba? ang hirap pala maging mayaman nu. '- sagot ni gina. tumatango lang ang lalaki habang humihithit ng sigarilyo. "eh, babe bakit gusto ma parin ikaw ang manguna sa pag babartender ng bar ?'.- tanong ng kasintahan. "kasi, andiyan ka baka kung sino-sino ng lalaki lumalapit sayo ,- sagot nito sa kasintahan at sabay hinarap at tiningnan namumula tuloy ang pisngi ni sam. "nakakainggit naman kayo '.- kinikilig na sambit ni gina habang tinignan ang dalawa sabay siko sa kanya. "tumigil ka nga nananaginip ka na naman ng gising '.- sagot niya sa kaibigan. "che, palibhasay puro laro nalang ang iniisip mo marami pa kayang matitinong lalaki bitter mo, - sambit ng kaibigan. "wala ka palang boyfriend? '- tanong ni samanta sa kaibigang si gina. tumango lang ang kaibigan. "bakit? .'- tanong ulit ni samanta. " kasi niloloko lang siya ng kanyang boyfriend noon six months ago pero hindi parin nadala. '- siya ang sumagot. "ohh , im sorry '.- sagot ni samanta. "okay lang, kasalanan ko rin naman eh ang tanga ko kasi '.- sagot ni gina. "if okay lang sayo ano bang nangyari? .'- tanong ulit ni samanta. "may asawa siya at inaway pa ako sa coffee shop .'- sagot ng kaibigan. "ganun ba, its okay lets enjoy the night nalang ang ganda panaman dito. 'may beach party mamaya sama tayo ha pupunta kami ni samuel mamaya mas marami mas masaya '.- excited na pahayag ni samanta. " talaga ba? masaya yan '.- sagot naman niya kay samanta dahil nalulungkot na naman ang kaibigan. " Talaga na naman tong bruha nato nakuha pang maging malungkot tanga lang talaga ha? -- sa isipan niya. " oo at pupunta tayo libre lahat ng drinks dito dahil inihanda talaga ni sir andrew ang lahat ng ito para makapag party naman tayo lahat ng empleyado. diba babe? .'- sabay lingon kay Samuel "yes enjoy the night girls.'- sagot nito. " and take note maraming mga poging lalaki at ang goodnews may mga inimbitang ibang bisita si sir mga Gwapo at mayayaman baka makahanap na kayo ng para sa inyo. '- si samanta. " opps , except you. '- si Samuel na nagbabanta sa girlfriend. "alam ko naman babe, '- tutulungan ko lang tong dalawa makahanap ng forever at tutulungan mo rin kami diba? .'- sagot ni samanta sa boyfriend. "i tried my best, '- tipid nitong sagot. "no need na makakahanap ako ng Boylet sa sarili kung sikap, '- pagyayabang niya sa mga kaibigan. "Oo nga naman si Cathy ay isang lapitin ng boys nga naman. '- pang aasar ni samanta sa kanya . " well, as usual '.- pagyayabang niya. "yeah , and i like it. '- sagot ni samanta na klarong pinapakisamahan lang ang kanyang pagiging playgirl . "hay nako sayo cathaleah, sinasabi ko sayo pag ang karma dumating ewan ko sa yo hindi talaga kita pakikinggan. '- sabay Erap nito sa kanya na alam niyang disgusto ang kaibigan sa ginagawa niya. "stop calling me that name gina. "- galit niyang tugon sa kaibigan. "cathaleah? ,'- tanong ni samanta na naguguluhan. "cathaleah totoo niyang pangalan pero hindi ko alam bakit lumulusot ang Cathy sa kanyang mga files parang ipinaulit niya siguro . .'- naguguluhan ring kaibigan. "really cath? .'- tanong ni samanta sabay harap sa kanya. tango, tango nalang ang kanyang ginawa kahit gustuhin niyang magalit sa kaibigan pero hindi nalang niya ginawa kasi baka magsisisi pa siya pagkatapos niya itong awayin . Oo ako si cathaleah Buenas ito talaga ang pangalan niya na ibinigay ng kanyang ama para sa kanya. dahil sa hate na niya ang kanyang ama gumawa siya ng paraan para hindi na nga niya marinig ang isang cathaleah dahil hindi na siya ito malaki na ang pinagbago ng buhay niya ang dating mahinhin at mahinang babae walang ginawa kundi ang umiyak na cathaleah noon . ngunit ngayon ako na si Cathy kasalungat ng pagkatao ko ngayon isang Cathy na walang inuurungan, palaban mabagsik at higit sa lahat walang lalaki ang pakapanakit sa akin kailanman. kaya noong may narinig siyang pwede baguhin ang pangalan sa may Quiapo lumuwas siya para trabahuin ito kahit alam niyang ilegal ang gawa nito. kaya magpahanggang ngayon wala naman nakakapansin sa pangalan niyang fake dahil maganda ang gawa parang enirase lang ito sa birth certificate niya dahil firstname lang naman kaya hindi siya naqequestion sa mga pinag aapplyan niyang trabaho. "hindi ko akalain na '--- si samanta pero agad niyang pinutol ang pagsasalita nito. "i want you to keep my secret ayokong may ibang makakaalam at ayokong marinig ulit ang pangalan na yan pwede ba? .'- binigyan niya ng matalim na tingin ang dalawang kaibigan sabay talikod. Lumayas siya sa harap ng kaibigan dahil baka hindi siya makapag pigil sa sarili at makakatikim sila sa dila kong halang sa kademonyohan baka ma offend pa ito at ayaw niyang gumawa ng eskandalo. marami pa namang tao. pumunta siya ng room para palitan niya ang kanyang suot para sa ganap na gawing beach party nag suot siya ng black onepiece at kumuha siya ng scarf para itali ito sa kanyang bewang para naman hindi masyadong halata ang kabuuhan ng katawan niya. Nangmakapunta ng beach party nag simula na pala ito may mga tugtug na at ang lakas parang mabibingi siya. tumingin siya sa kanyang pambisig na relo 8:30 palang naman ng gabi ah at marami ng sumasayaw . "abay ang aga marami nang lasing "- sa isipan niya. Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad at ng makita ang isang bote ng wine tinungo niya ang waiter na naka assign sa lahat ng mga alak. "hi. '- bati niya sa isang waiter na sinasadya niyang malantad ang kanyang dibdib para makita ito ng lalaki sabay pang aakit niyang tingin. "y-ye-yes mam .'- sagot ng lalaki at pinadaanan ng tingin ang kanyang dibdib. "can i have 1 bottle of wine .'- ngitian parin niya ito na may halong paglalandi . " ahm, mam e kasi ,kasi h-hindi. ---- putol putol nitong sagot sa kanya. hinawakan niya ang kamay ng waiter na may hawak na baso at sabay hinihimas himas ito. alam niyang bawal yun pero kailangan niya ng marami nakakapagod ang hingi ng hingi sa kakarampot na nasa wine glass. tumitingin ito sa paligid at nagtagumpay siya kaya kinuha niya ang inabot ng lalaki sa kanya na isang redwine at lumakad na dahil wala na siyang kailangan . nang makatalikod lumingon siya ulit. " opps , i forgot sa'kin nalang to ha? .'- kinuha niya ang isang basong may laman ng wine. tumungo siya sa harap ng dagat na at umupo sa buhangin habang ang kanyang mga paa ay tinatamaan ng mga alon . kay ganda ng dagat Namiss niya ang Simoy ng hangin at hampas ng mga alon. nakakamiss talaga dahil simula ng kinamumuhian niya ang kanyang ama hindi na siya masyadong nag pupunta ng dagat dahil naaalala lang niya noong bata palang sila lagi silang dinadala ni papa sa dagat. winaksi niya sa isipan niya ang mga ala ala nayun. Nagsalin siya ng alak sa baso para uminom ng maibsan ang sakit na kanyang naramdaman sa twing naaalala niya ang kanyang ama .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD