KAELYNN's POV Nakita ko ang pagpula ng mata niya at paglabas ng mga pangil niya, pero mula sa nakakatakot na imaheng iyon. Kitang kita mo pa rin ang lungkot at pagluha ng mga mata niya. Napakasama kong babae, napakamakasalanan ko sa lahat. Dalawang lalaking importante sa'kin ang pinaiyak ko ngayon araw, sa araw ng kaarawan ko. "Danrious!" Sigaw ni Sir Daryl at pagyakap sa kaniya ng kakambal niya, pilit siyang pinapahinahon nilang dalawa pero sobrang lakas niya at nakawala siya sa kanila, mabilis siyang tumakbo papuntang mansion at naglaho sa paningin namin. Hinabol ko ang imahe niya, hinabol ko hanggang sa mawala siya. "Kaelynn are you okay?" Sabi ni Ms. Ash at niyakap ako, pero hindi mawala sa buong katawan ko ang panginginig at hiya sa sarili ko. Hindi lang hiya pati inis at galit n

