DANRIOUS's POV Nakatayo ako sa harap ng malaking pinto habang hawak-hawak ang maliit na kamay ng kambal kong si Niel. Tumingin ako sa kaniya at tumingin din siya sa'kin sabay pagbukas ng pinto at lumabas doon ang aming ina suot suot ang pulang damit at matapang na pabango na paborito niya tuwing aalis siya. Hinawakan niya ang ulo naming dalawa at ngumiti, mga ngiting mapanlinlang para sa batang edad namin noon. "Be a good boy okay, babalik din si mama," sabi niya at lumabas na sa kabilang pinto. Ah tama. Pupunta siya sa mga lalaki niya, tuwing magsusuot siya ng pulang damit at ang amoy ng pabangong iyon na umiikot sa katawan niya panigurado maghahanap na naman siya ng bagong mabibiktima niya. Paglingon ko, ako na lang mag-isa at nakaharap ako sa malaking bintana na natatakpan nang ma

