KAELYNN's POV Hindi ko alam bakit nangyayari ito sa'kin ngayon. Andito kami sa super market ni Sir Daryl at nag go-grocery ng mga pagkain para ngayong buwan. Kahapon lang umiiyak pa siya eh, ngayon balik sa business man look ang dating niya lalo nasa pag-pili ng mga bibilhin namin, napakamitikuloso niya sa presyo isang patunay lang na dakila siyang kuripot. "Ang galing naman dito sa commoners market buy one take one? Pero sa totoo lang malaki rin ang tubo ng producer sa mga ganitong item." 'yan ganiyan siya kanina pa, lahat ata ng product dito sinusuri niya at may iba pa nga nilait niya at wala daw alam 'yung mga manufacturer. Nasapo ko lang ang noo ko at nagbuntong hininga, kanina pa rin kami pinagpepyestahan ng mga babae dito, mapabata o matanda may asawa o wala nakasunod samin at pa

