KAELYNN's POV Paikot-ikot akong naglalakad dito sa kwarto ko at hindi mapakali, siguro na hihilo na ang kambal kakasunod ng tingin sa'kin. "Pwede ba Kaelynn chill lang, bukas ka na magpaalam mamaya pa uuwi ang dalawang 'yon," sabi ni Daniel na nakakunot ang noo habang sinusundan ako ng tingin. "Pano kung hindi niya ko payagan bukas? okay nang magpaalam ngayon para pwede ko pa siyang kulitin bukas saka gusto kong umalis ngayon na." napabangon si Danrious sa pagkakahiga sa kama ko. "Baliw ka ba? Gabi na maraming r****t sa daan," sabi niya at inirapan ko lang siya, excuse me! sayo ako dapat mas mag-ingat dahil ikaw po ang r****t. Gusto kong ibulyaw sa kaniya iyon pero hindi pwede baka lalo akong hindi makaalis, wala akong phone at hindi ko alam ang number ng bahay ampunan kaya pano ko ma

