KAELYNN's POV Friday na ngayon at bukas ay birthday na ng kambal, iniisip ko pa rin kung anong magandang iregalo sa kanilang dalawa. 'Yung magugustuhan ni Daniel at ni Danrious. Kay Daniel madali lang eh, sabi niya kahit ipagbake ko lang daw siya ng cookies masaya na siya, eh kay Danrious kaya? Siguro kahit anong ibigay ko sa kaniya hindi niya tatanggapin. Pero be positive lang Runo kaya mo 'to ipagbe-bake ko silang dalawa ng cookies para sa birthday nila. Habang tulog si sir Darenn naghalungkat na ko ng gamit sa kusina. "Anong hinahanap mo Kaelynn?" Tanong ni ate mila at nilingon ko siya. "Ah, mga harina po sana at saka chocolate chips kaso wala pala." hindi pa ata na kakapag-grocery sila ate Mila kaya wala syadong laman ang refrigerator at ang mga cabinet dito sa kusina. "Anong mer

