NAKAYUKO lang si Tallulah habang nakatayo sa gilid ng sofa. Kasalukuyan nandoon si Gael, si Carmella, si Serum at si Donna. Kanina pang tahimik lang si Gael at para bang wala itong pakialam kung nandoon man si Carmella. Hindi niya rin alam kung bakit nakaramdam siya ng inis sa babae o baka dahil hindi lang niya gusto ang ugali nito. "So, how are you, Gael? Hindi mo ba ako na-miss? It's been two years since we last met," sabi ni Carmella at mas tumabi pa kay Gael. Siniksik pa nito ang braso sa braso nito habang nakangiti. "Why are you here?" malamig na tanong ng binata na hindi nilingon si Carmella. Natahimik ito at bumaling kay Donna at agad ding bumalik ang tingin kay Gael. Pilit pa rin itong ngumiti kahit dismayado sa tanong ng binata. "Ano ka ba naman, Gael? Iyan lang ba ang sasabih

