Prolouge

409 Words
Hindi ko mapigilang kabahan ngayon habang inaantay ko si Andrew dito sa mall. Kailangan daw kasi namin magkita dahil may importante siyang sasabihin. Nang makita ko na siya sa unahan ay napangiti naman ako bigla dahil nakarating na siya sa aming tagpuan. Ngunit nangunguna pa rin ang kaba ko ngayon. Hindi ko talaga maintindihan parang may mangyayari talagang hindi ko magugustuhan. "Hi, Love." Masigla kong tugon sabay halik ko sa kanyang pisngi. Ngumiti naman ako sa kanya ngunit nagtataka naman ako kung bakit hindi niya ako hinalikan at nginitian pabalik. Parang wala siya sa mood ngayon at parang may malalim siyang iniisip. "Siya nga pala, may sasabihin ka di ba?" Tanong ko sa kanya. Hindi pa rin siya kumibo at panay titig pa rin niya sa akin. Ano bang problema ng boyfriend ko? "Natahimik ka yata? May problema ba mahal?" nagtataka kong tanong sa kanya sabay hawak ko sa kanyang mga kamay. "Nath, I'm breaking up with you." seryoso niyang sambit habang nakatitig sa akin ng walang emosyon. Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi at hindi ko mapigilang mapaiyak, dumaloy ang aking mga luha pababa sa aking mga pisngi. Halos hindi ko maipinta ang aking mukha. "What? Prank ba ito? Nagbibiro ka lang diba?" tawang-tawa kong pagkakasabi. Alam kong nagbibiro lang itong si Andrew. Mahilig siyang ipra-prank ako lagi kaya ganon ang naisip ko sa kanya. Ngunit mukhang seryoso ang pagkakasabi niya kaya natigilan ako. "Seryoso ako. Gusto ko ng makipaghiwalay." Kahit maraming taong nakatingin sa amin ay wala akong pakealam. "Andrew, please, huwag mo naman akong iwan oh? Hindi ko naman sinadyang gawin iyon." maluhang-luha kong sabi sa kanyang harapan. Sabay pagmamakaawa at lumuhod kahit labag sa aking loob ang gawin ito. "Nath, tumayo ka na diyan." sabay tingin niya sa aming paligid tila'y nahihiya pa ito at inalalayan niya akong tumayo. "Please, huwag mo kong iwan." muli kong pagmamakaawa sa kanya. Halos hindi ko na makita ang buong pagmumukha niya dahil lumabo na rin ang mga mata ko dahil sa dami ng mga luha na lumalabas. "Tama na, Nathalia, pagod na ako. Pasensya na." walang gana niyang sambit saka tinapik niya ang aking balikat sabay alis niya sa kanyang kinatatayuan. Hindi ako makapaniwala dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko mapigilang umiiyak kahit maraming nakatingin sa akin. Ramdam kong medyo nahihilo na ako at kailan lang ay mahihilo na ako. Dahil sa bigat na aking nararamdaman ay. Biglang nandilim ang paningin ko at natumba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD