Shane's POV
Habang naka park kmi sa gilid umupo ako na parang naka tagilid pero paharap sa kanya. Siya din ay naka harap sa akin. Alam ko takot ako sa relasyon sa mga nakaraang failed relationship ko.
Nag dududa ako baka pambobola lang o fling lang ang gusto ni luke. Pero sa sinabi nya natigilan ako. Hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya.
Tinitigan ko lang siya nag aanatay na mag salita pa.
"Babe ano? Pwede ba akong manligaw sayo? Sorry if parang nabigla ka pero eto yung nararamdaman ko e." Nag lalambing nyang sabi
"Alam mo luke kong trip lang or panakip butas ang gusto mong mangyari, wag ka na mag abala pa. Di ko talaga bibilhin yang trip mo sakin" sabi ko sa kanya.
Hndi ko tlaga mapaliwanag ang nararamdam ko para akong bibigay na oo luke gusto kita pero di ko pa alam kung mahal kita. Pero nkkita ko sa mata nya na seryoso siya at gusto ko din mag simula pero pa ano? Susubukan ko ba to? Nagugulo ang utak ko.
"Babe hindi to trip gusto ko patunayan sayo na gusto kita. Please give me the chance to prove it."
" Ikaw luke nakakarami ka na sa kaka babe mo sa akin ha. Okay." Sabi ko sa kanya pero paranf nabigla din
"Anung okay? You mean okay lang? Pumapayag ka na babe?" Nakangiti niyang tanong
"At hayaan mo na kung ano ttawag ko sayo ako na bahala dun ikaw din baka ma miss mo" dugtong pa niya na para bang na eexcite.
"Oo cge na okay na basta---"
Naputol ang sasabihin ko pa nang bigla nya akong hinila at naramdaman ang pag lapit nang labi namin. Madiin na kiss pero ramdam ko na my pag mamahal. O baka ako lng nag assume parang nakakalasing ang pag lapat nang labi namin.. baka sabihin nyong parupok ako pero eto na talaga nararamdaman ko.
Gumalaw ang labi ko. Habang napa hawak naman ako sa leeg niya. Malalim amg palitan namin nang halik. Para akong na lulunod parang i'm craving for more. Pero bumalik ako sa wisyo ko at dahan dahan bumitaw sa kanya..
Ramdam ko pa ang init na parang my kung ano sa buong sytema ko sa ginawa nya. Nabalik kami sa kanya kanya naming position.
"Okay luke. But d ko mapapangako kung kaya ko nang mag ka relasyon." I explain to him
"Hatid na kita" dugtonn kong sabi ko sa kanya.
"Thank you babe. Don't worry i assure you that i will make you feel happy everyday" sabi nya pa na naka ngiti at tila kumukulisap ang mata nya sa saya.
Muli nya akong hinalikan sa pisngi. At di ko na pinansin pa saka na nag drive papunta sa knila at umuwi na din.
Naka rating na ako nang bahay tanging c manang lang ang tao. Oo nga pala my event c mommy. Kaya kumuha nalng ako nang drinks sa ref at umakyat sa kwarto.
Nag pahinga muna ako bago maligo. Iniisip ko na namn yung halik ni Luke sa akin kanina. Habang naka upo sa terrace at iniinum yung soda na kinuha ko sa ref.
Uminit na naman ang pisngi ko sa iniisip ko. Parang gusto kong ulitin. Parang isa pa nga. Haha marupok na kung marupok pero iba kasi etong nararamdamn ko ky Luke pero hindi din ako cgurado kung pag mamahal na ba ito.
Napabugtong hininga nalng ako at pumasok na sa banyo at naligo.
Naka higa na ako na iniisip pa din yung halik. Nang nag tetxt c Luke.
"Luke: hi babe,kmusta ka jan? Matutulog ka na ba?"
"Me: hi. Hindi pa kakatapos ko lng mag shower pero maya maya matutulog na din ako"
"Luke: alam mo babe na mimiss kita"
"Me: panong na mimiss e kanina lang tayo nag kita."
Ewan ko kung nambobola naman eto sa text pero kinikilig ako haha namimiss ko din ata siya. Yung kiss ang hindi ma alis sa isip ko. Parang gusto kong sabihin na babe kiss ulit. Hahaha bwisit ano na namn ba to.
"Luke: syempre bukas babe baka pwede tayong magkita uli sa coffee shop."
Ay pwedeng pwede babe ikaw pa ba. Pwro syempre hindi ganun yung erereply ko.
"Me: okay cge mukhang wla naman na kming class sa hapon".
"Luke: cge babe see you goodnight baby ilove you".
Bwisit talaga parang tumatalon ang puso ko na kinikiliti ang systema ko pero bakit ba Luke peste.. pero di ko na siya nireplyan baka naman kung ano ang isipin nun. Dpat bukas dalawa lang kmi hahaha di ko isasama c Anne.
Hainako nag ddreaming na naman ako ky Luke.
Pinikit ko na ang mata ko para mabilis naang oras at mag kita na kami.
Dumaan pa ang mga araw at sunod sunod ang mga pag kikita namin ni Luke. Consistent namn siya sa mga pan liligaw nya sa meet up naming dalawa lang kami..
"Shane! Tapos ka na ba we're almost late. Lets go!" Pasigaw na ni mommy mula sa sala.
Ppunta kmi ngayun sa company celebration nang family namin. Naka suot naman ako nang fitted na long gown na black na backless and my mga maliliit na diamond bilang palamuti nito.. gandang ganda ako sa suot ko. Na my 3inches na heels.
"I'll be there mom. Wait lang po!" Pasigaw kong sagot. Nag final retouch nalng ako at saka na bumaba.
Umalis na kmi ni mommy pamunta sa building nang MD corporation. Muntik na kmi ma late pero pag dating namin mag sisimula pa lang yung program.
Pinakilala ako ni mommy sa ibang mga relative namin maging sa mga business partners nila..
"Hi Mr. And Mrs. Villaruz. I'm glad you came. This is my daughter Shane Rodriguez." Pag pakilala ni mommy sa akin.
Familiar ang family name na yun.. parang narinig ko na. Ah! Ky Luke.. kilala nya kaya eto..
"Shane!"
Nagulat ako na my tumawag sa akin na pamilyar na boses. His sweet bedroom voice bakit ba ksi ganyan boses ya parang nang aakit. At talaga ngayun ko lang napag tuunan nang pansin. Alam kong si Luke yung tumawag sa akin. Kaya nilingon ko to at naka ngiti. Parang na excite din ako nako buti nalang sumama ako sa sa event na to.
"Oh hi Luke. Sabi ko na nga ba parents mo yung kakilala ni mommy"
"Yes. Pero di ko naman inexpect na inyo pala yung company event na ppuntahan namin. Ang ganda mo babe" masayang sabi nya sakin
Pareho namn namin ikinatuwa ang ang presensya nang bawat isa. Hindi na kami na bored sa event.
Busy ang lahat sa event nang maisipan ko namng yayain c Luke na lumabas. Hndi ko alam kung papayagan siya pero sinubukan ko padin.
"Hey. Maybe you wanna come with me outside. If okay lang na sumama ka. Nabbored na din ksi ako dito" naka ngiti ko namang aya sa kanya..
Napangiti namn c Luke at bigla nalng ako hinila pa labas nang function hall.
"Tara babe! Meron akong alam na place na my magandang view." Masayang sabi niya
"Saan naman yan. Cge ikaw bahala ikaw nalng mag maneho."
"Sure cge babe" pag payag yang sagot sa akin..
Pa labas na kmi nang building. At saka nag drive na din si Luke. Hndi ko alam kung saan nya ako dadalhin. Pero parang lumalayo na kmi. Buti nalng my dala akong pampalit kaya papalit nalng ako mmaya pag dating namin sa kung saan man yan.
Umabot kmi hanggang antipolo. Hndi niya alintala na baka pagalitan siya o hanapin siya ano mang oras. Nag bihis na agad ako at lumabas nang kotse. Nasa hood siya naka tingin sa over looking na napaka ganda pag gabi.
Bago pa ako lumapit sa kanya ay tinignan ko muna siya. Salikod palang nya ay hubog na hubog ang katawan nya sa suot nyang suit. Yung ayos nang buhok nya.
Papalapit na ako sa kanya nang bigla siyang lumingon na naging dahilan para mag tagpo ang mga mata namin.. hawak ko din ang chichirya and beer. Buti nalng lagi akong may dala.. tumabi ako sa kanya pareho kaming naka tingin sa kalawakan nang city lights. Sumabay pa ang mga bituin sa langit at ang sinag nang buwan.
"Ang ganda db? Parang magaan sa pakiramdam pag andito ka" mahina nyang sabi
"Yes this is amazing, i can't imagine na mkakita ako nang ganito na my kasama i always imagine myself alone like what i am used to." Nalulungkot kong sagot namn sa kanya.
"Babe you know i love you, and i'm willing to do whatever makes you happy". Sabay lingon niyang sinabi sa akin at hinawakan ang kamay ko.
Ramdam ko na namn ang pag init nang pisngi ko pati ang pag ka kiliti nang buong sytema ko. Hindi ko na yata kayang itago pa ito at bahala na. O baka namn nadadala lang ako sa sitwasyon ngayon. Bsta bahala na.
Hinawakan ko din ang kamay nya at tinignan sa kanyang mata. Nakikita ko ang senseridad sa mga mata nito habang naka ngiti na nag aantay sa sasabihin ko..
"Alam mo ba na takot na ako bumuo nang relasyon?'' pag sisimula ko
"Ayoko kasi matulad sa parents ko. Kaya kung sakali mang mag karoon ako nang ka relasyon gusto ko yung totoo na hanggang sa huli kaya akong ipag laban. Alam mo yun yung iniingatan nya ang importante para sa kanya. Pero alam mo bang may nararamdaman na din ako sayo," mahaba kong sabi sa kanya
"Talaga babe? Ilove you!" Masaya nyang sabi sa akin sabay yakap..
Nabigla namb ako sa pag yakap nya at parang di ko na mapigilan ang bilis nang t***k nang puso ko at kilikti nang tyan ko.. tila bang sasabog na ito.
"Yes babe. Ilove you too" nagulat nalng ako nang iba ang na sagot ko sa kanya.. akala ko ba sa isip ko lang yun nako Shane. Wla nang bawian to.
"Talaga mahal.mo din ako babe?" Masaya niyang tanong
"Yes oo na ilove you. I just can't tell you that earlier dahil sa natatakot ako bumuo uli nang relasyon"
"Don't worry babe. I will love you and make you happy everyday!" Excited nya namang sagot.
Niyakap nya ako at hinalikan sa noo. Saka bumalik naman ang tingin namn sa tanawin na naka sandal ako sa balikat nya at magka hawak kamay.
Dumaan ang mga araw na sweet lang kmi. Nag kkita kami after class. Alam na din nila Anne na kami na. Minsan nga ay kasama pa namin sila ni Jeric sa mga gala at tambay sa coffee shop.
Nagising ako sa sikat nang araw hndi ko pala na sara ang kurtina kagabe malapit sa terrace. Weekend ngayon kaya sana late na ako maggsing pero napa aga ata gising ko.
Mag alas otso na din naman so bumangon nalang ako.
Nag vibrate ang phone ko.
"Luke: morning babe. Alis muna ako today my ppuntahan kmi ni Jeric. Ilove you!"
"ME: morning din babe. Ang aga namn nang alis nyo saan punta?"
"Luke: d ko pa nga alam ky Jeric pero meron daw dumating na tropa. Message kita mamaya babe. Mwuah!"
"Me: okay"
Walang gana kong sagot ang aga aga ksi aalis pero di alam kung saan talaga ang punta. Ano ba naman yan.
Hndi na ako nag text sa kanya hanggat hndi siya nag ttxt sa akin. Aba! Ang mokong hndi talaga nag text.
"Me: aba tiis mong d mag text buong araw ah!"