Chapter 04

2183 Words
Tulala ako hanggang sa marating na namin ang tapat ng mansion ng mga Trivino. Kanina pa may sinasabi si Papa tungkol sa mga dapat kong maunawaan sa pagkikitang ito pero wala akong natandaan sa mga sinambit niya. Naging pre-occupied lang ako sa buong biyahe nang dahil sa sakristang iyon.   Ewan ko. Kahit sarili ko ay hindi ko maintindihan. I had crushes in Manila dahil talaga namang maraming gwapo roon. Nagkaroon na rin ako ng flings na medyo hindi ko naman sineryoso dahil kasiyahan lang ang intensyon ko. Everything was just part of my exploration not until I found that handsome guy in his white shirt. Napakadesente niyang tingnan. Pormal na pormal ang pagkakagupit ng kaniyang buhok, iyong sakto at hindi mapagkakamalang siga. He got that serious and prim aura. Unang tingin pa lang, alam mo nang seryoso siya sa buhay at hindi basta-basta panandalian ang hanap.   I wonder what his name is. I wonder where he lives and how old he is. Sa tantya ko ay nasa twenty’s na siya dahil sa tangkad niya. Pero posible nga bang maging sacristan ang nasa twenty’s na?   O baka ka-edad ko lang din siya at nagkamali lang ako ng akala?   “Did you get it?” Papa asked when we got outside the car. Tumango ako kahit na wala namang nag-resonate sa aking isipan. Bagaman may galit ako sa kaniya, ang tangi ko lang choice sa ngayon ay sumunod at magpakabait. Hindi biro makaharap ang isa sa mga pinakamayayaman na personalidad dito sa Pilipinas. Trivino is an expensive surname that gets admiration and respect.   Saktong sa paghakbang namin ni Papa ay patungo sa bungad ng mansion, may dumalo sa amin, isang katulong.   “Ikaw pala, Mayor Alcaras. Pasok po kayo.”   “Nasa loob na ba sila?”   “Opo. Kayo na lang po ang hinihintay.”   Nang marinig iyon, marahan akong binalingan ni Papa. Hindi man niya ipahalata na naiinis siya, halatang halata iyon sa mga mata niya. Napaisip tuloy ako kung nasa akin ba talaga ang sisi. Kung sinabi lang kasi niya nang mas maaga na tutungo kami rito, eh `di sana mas maaga akong nag-ayos.   Nagpatuloy kaming tatlo sa paglalakad hanggang sa makapasok na kami ng mansion. Hindi ko napigilang mamangha dahil kahit inasahan kong maganda na talaga ang makikita ko, na-exceed pa rin kung ano ang expectations ko. The ambiance is so elegant and sophistacted. Mula sa mga muwebles, chandeliers, at lightings ay gintong ginto na ang dating ng kanilang kayamanan.   Masasabi ko rin namang may kaya kami dahil sa nature ng pinagmumulan ni Papa ng income. Ngunit kung ikukumpara kami sa kung anong meron ang mga Trivino, masasabing wala pa kami sa laylayan. Everything is displayed in majestic scenery. Wala akong masabi.   Habang humahakbang, napalinga-linga ako sa mga pictures na nakadikit sa wall. Lalo akong namangha nang makitang graduate ng U.P. ang isa sa mga nasa graduation picture nito. Iyong isa naman ay P.U.P. alumni. Kapwa gwapo at mahahalatang may narating sa buhay kaya napaisip ako kung makikita ko rin ba sila ngayon.   “Kung hindi mo pa alam iha, `yan sina Trivo at Trino Trivino. Sila ang natatanging anak ni Trio Trivino,” banggit sa akin ng katulong. Tumango-tango ako bilang tugon at natuwa sa pagkakahawig ng mga pangalan nito.   “Nasaan na po sila ngayon?”   “May kanya-kanya na silang mga asawa. Si Don Trio Trivino naman ay yumao na.”   Gusto ko pang makarinig ng kwento tungkol sa kanila ngunit hindi na nadagdagan nang marating na namin ang living space nitong mansion. Saka pa lang ang isa-isang tayo ng mga naririto upang makipagkamay kay Papa at magbatian na para bang matagal na silang hindi nagkikita. Nanatili akong nakatayo at pinanood sila isa-isa. Halos lahat sila ay gaya kong kabataan at iilan lang ang may edad na. Ipinatong ni Papa ang cake na dala niya sa lamesa kung saan makikita may mga pagkain nang nakahain.   “Siya nga pala, ito si Raphia, ang tatakbo bilang SK Chairman niyo,” ani Papa matapos umupo sa tabi ng isang matanda. Sa puntong ito ay napabaling ang lahat ng tingin sa akin. Animo’y ngayon lang ako napansin gayong kasabay ko naman itong mayor na binabati nila.   When Papa paused and looked at me, it seems that he’s telling me to speak and introduce myself. Ang kaso, nakaramdam na lang ako bigla ng hiya. I can feel the long stares and deafening silence. Mula sa kaninang maingay, ngayon ay wala akong pagpipilian kundi ang gawin kung ano sa tingin ko ang nais nilang mangyari. My God. Bakit ba nandito ako? Talaga bang mangyayari na ito?   Napalunok ako. Isa-isa ko silang tiningnan at may isang humuli sa atensyon ko. Hindi ko sigurado pero sa itsura niya ay parang may hawig siya sa mga litratong nakita ko kanina. Kung hindi ako magkakamali, maaaring siya nga si Rio Trivino!   Bumilis bigla ang t***k ng puso ko dahil sa kaba. Kung pahihintulutan lang ako, mas pipiliin ko talagang umalis muna ngayon at bumalik na lang kung kailan na handa. Parang kahapon lang noong wala akong problemang masyadong iniisip. Tamang nood lang at kinig sa masasayang tugtugin. Ngayon? I don’t think I can handle this. Hindi ko alam kung magagawa ko bang gampanan talaga kung ano ang ini-atas nila sa akin.   “U-uh… h-hello! Ako si Raphia. Nice to meet you all. I hope na sana magkasundo-sundo tayo…”   “Sure!” sabi ng isang babae na may pagka-social ang dating sa suot nitong ill-fitted outfit. “Anyway, I’m Drea. Welcome to the fam!”   Sumang-ayon ang iba at isa-isang nagpakilala sa akin. Mababait naman at halatang madaling pakisamahan. Pero isang tao na lang ang hinihintay kong magpakilala dahil pansin kong matagal siyang nakatahimik. Looking at his eyes, there’s something I could say that he's driven by fear and shame. Hindi siya mukhang galit, mukha niyang… nahihiya.   “Dude, Rio. Ikaw naman,” untag sa kaniya ng katabi niya. Parang natauhan ito at mabilis na tumango-tango.   “S-sige,” tugon nito sabay tayo nang nakaharap sa akin. “Nice to meet you. I’m Rio Trivino.”   Gwapo siya, infairness. Halatang may pinagmanahan. Pero may isang bagay akong pinagtataka sa kaniya. Inaasahan ko kasi na maging confident siya o `di kaya’y mag-s-speak-up sa tonong tila hindi ba nagdadalawang-isip. Sa kilos, ekspresyon, at pananalita kasi niya, makikita na para bang nahihiya siya at may insecurity. Ano bang dapat niyang ika-insecure gayong abot-langit ang kayamanan nila? Hindi ko rin siya makitaan ng flaws sa physical appearance niya. Kulang na lang ay magpaka-bad boy sa ganda ng hubog ng kaniyang katawan.   “Salamat sa inyo…” ulit ko sabay upo sa bakanteng upuan na nakatabi kay Papa. Kumpara kanina ay mas gumaan na ang pakiramdam ko dahil maganda rin ang salubong nila sa akin. Maliban na lang talaga kay Rio na medyo alangan sa pagpapakilala sa akin. May something kaya sa akin kaya siya nagkakaganoon? Okay naman siya sa mga kasama niya ah?   “Okay, alam naman siguro nating lahat kung bakit tayo narito `di ba?” panimula ng lalaking nakaupo sa kabisera. Nasisiguro kong may katungkulan ito sa gobyerno dahil kung makapagsalita ay parang tunog-politiko.  “Maikling orientation lang ito tungkol sa magaganap na election sa susunod na dalawang buwan. Ngayon pa lang, ine-encourage na namin kayo na magpakilala sa mga boboto sa inyo, lalo na kayo Rio at Raphia.”   “Huh? Kilala naman na po si Rio ah?” depensa ni Drea. Umiling ang nagsasalita.   “Kagaya ni Raphia, kararating lang din ni Rio noong isang linggo. Maaaring kilala ang apelyido niya pero hindi kung sino mismo siya. Ang goal natin sa mga natitirang araw ay maipakilala kayo kaya sana tulungan niyo kami.”   Sumang-ayon ang lahat maliban sa amin ni Rio na nanatiling tikom ang bibig. Nang magtama ang aming mga mata, mabilis siyang umiwas ng tingin. Mistulang kinuryente ko siya kahit sa tingin kaya ganoon na lang kabilis ang pag-iwas.   Goodness. I can’t help thinking about this. Ano kayang meron? Anong meron? Galit ba siya, naiinis, o ano? Bakit ayaw rin akong ngitian?   “Sa susunod na buwan mag-uumpisa ang kampanya pero hangga’t may panahon pa, kailangan nating mag-maximize. Kailangan natin unahan kung sino man ang partidong makakalaban niyo nang sa gayon, mas pamilyar na inyo ang mga boboto.”   “Sir, tanong lang po,” sabi ng isang nagtaas ng kamay. Sa pagkakaalala ko, Jeonrick ang pangalan niya.   “Sige, ano `yon?”   “Nakasaad po kasi sa rule na dapat nag-reside muna ng at least six months sa baranggay ang isang kanditato bago tumakbo. Hindi po kaya tayo mababatas gayong wala pang isang buwan dito sina Raphia at Rio?”   “Akong bahala,” sagot ni Papa kaya lahat kami ay napatingin sa kaniya. “Madali lang `yon doktorin kaya huwag nang problemahin.”   “Okay po, salamat.”   “May iba pa bang katanungan?”   Lihim akong suminghap. Ewan ko pero deep inside, gustong gusto ko i-object si Papa at pipiliing hindi na sumapi rito. Natatakot akong makipagsapalaran. Imagine, mismong batas na ang tinataliwas niya para lang maipilit ako sa pagkakandidato.   Kaya pala. Kaya pala matagal na niya akong hinihingi kay Mama para sa residency. Talaga palang planado na niya ito at hindi lang niya sinasabi. Siguro dahil mismong si Mama na ang nagsabi sa kaniya na hindi ako kailanman magkakaron ng interes sa pulitika. Dahil sakaling naabisuhan na ako noon pa tungkol dito, hinding hindi ako magdadalawang isip na tumanggi na sumama sa kaniya rito.   Nag-alala tuloy ako dahil baka makulong kami sa ginagawa namin. Indeed, my father has still that connection because he is the curent mayor and he still wants to be re-elected. Pero paano naman iyong mga disente ang layunin? Paano `yong malinis ang intensyon at mas nararapat sa posisyon?   Mula kay Papa, muli kong sinulyapan si Rio. This time, nahuli ko ulit ang kaniyang mga mata. Bahagyang umawang ang labi niya at mabilis na yumuko. Hinagilap niya ang kaniyang cellphone at nagkunwaring busy doon.   God. Lalo tuloy akong nakuryoso. Ano kayang dahilan at bakit siya nagkakaganyan? Ano bang mayroon sa akin?   Mamaya pagkatapos ng meeting na ito, hinding hindi ako papayag na hindi ko siya makakausap. Lalapitan at lalapitan ko talaga siya hanggang sa maunawaan kong lubos kung bakit ganoon ang kinikilos niya pagdating sa akin.   “Ikaw Raphia, may tanong ka?”   Nagulat ako at natauhan. Sa pagkataranta ay mabilis akong napasagot.   “O-opo. Tanong ko lang po sana kung sure bang ako na talaga ang tatakbo bilang SK Chairman? Baka kasi may isa-suggest sila.” Sabay turo ko sa mga nasa harapan ko. Nakita ko tuloy ang biglang pag-angat ng tingin ni Rio.   “Actually,” ani Drea kaya sa kaniya kami napabaling. “I don’t personally know you but I believe that politics runs in the blood. Nasa dugo niyo na ang pagiging politiko kaya bakit lalayo pa kami, `di ba?”   “Tama,” sang-ayon ng iba. Lahat sila ay tumango maliban lang talaga kay Rio.   Ngayon, mula sa mga namatyagan ko sa kaniya, hindi man niya sabihin ay batid kong may problema siya sa akin. Kung galit siya o naiinis, then I should know para mapaliwanag ko ang side ko. Mahirap naman kung hahayaan kong manatili sa samahang ito nang may taliwas sa existence ko.   Halatang natuwa si Papa sa narinig, dahilan kung bakit abot-langit ang kaniyang ngiti. Sa mga sumunod, kung ano-ano pa ang mga pinag-usapan tungkol sa mga gawain at patakaran sa SK ngunit higit akong nag-alala kay Rio. Ang cold lang niya at tahimik. Kung ikukumpara sa mga kasamahan naming iba, siya iyong tipo na hindi magsasalita kung hindi tatanungin o kakausapin. Siya pa man din ang naka-assign bilang secretary.   Sa ilan pang sandali, nang matapos ang meeting ay nabigyan kami ng pagkakataon upang mag-bonding. Sumama si Papa sa mga kasamahan niya at may mga pag-uusapan lang din daw. Kaya ngayong kaming mga kakandidato ang naririto, hindi ko naiwasang hindi matyagan si Rio. Nakayuko lang talaga siya sa kaniyang cellphone habang itong sina Drea ay daldal nang daldal tungkol sa mga plano nila para makilala ng sambayanan.   When they asked me about my life in Manila, saktong tumayo si Rio at nagpaalam na aalis na. Inasahan kong may magdi-disagree pero wala ni isa ang pumigil. Hindi pa man siya nakahihingi ng approval sa akin ay tuloy-tuloy na siyang lumabas ng living area.   Nang maibalik na uli ng lahat ang atensyon nila sa akin ay saka ako nagkwento tungkol sa mga gusto nilang malaman sa Manila, kung ano ba ang school na napasukan ko roon, at kung bakit nagustuhan kong manirahan doon. They seemed so amaze habang nagsasalita ako. Mga halatang hindi pa nakararating at nakakatuntong ng Maynila. I mean, the trip is so affordable and accessible. O baka sadyang hindi lang sila pinapayagan ng mga magulang?   Minadali ko ang pagkukwento ko hanggang sa matapos. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa upang magpaalam dahil kailangan ko nang habulin at kausapin sa kung saan man pumunta si Rio. He has to open up about his problem with me. Hindi ako papayag umalis ng mansiong ito nang hindi siya nakakausap!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD