Chapter 21

2255 Words
Pormal akong ipinakilala ni Rio sa mga tauhan doon. I feel so lucky that I got to know them as if everyone welcomed me as part of a huge family. Though halata ang boundary ng mga trabahador kay Rio,  hindi pa rin iyon naging hadlang upang masabi ko na nakagagaan ang manatili rito.   Dito ko mas napansin kung gaano kasopistikado ang mga Trivino. Na kahit iisa na lamang ang naiwan dito upang mamahala, para bang `di nito alam ang salitang ‘pagpalya’. Ani Rio, hindi naman daw niya basta-basta minamando ang lahat nang nag-iisa. Kahit paano’y mayroon namang nakatatanda na gumagabay sa kaniya. It’s just that his stay in this ranch serves as his main training ground. At habang bata pa, bilang tagamana ay kailangan na raw siyang sanayin.   As he walks with me in the middle of their ranch’s pathway, as he tells me more about the history of his clan, I can’t help but compare my own case. We really have things in common— at isa na nga rito ay ang idea ng training ground. If his clan trains him to manage their properties and businesses, ako naman ay sapilitang susunod sa yapak ng pulitika. I don’t know if that’s some sort of legacy that our ancestors vowed to uphold. Is it really necessary?   Kung ako ang magkakaanak, hahayaan ko siya sa mga choices niya. Na sa halip ipilit ko ang nais kong propesyon ay pipiliin kong kunin niya kung ano man ang totoong nakapagpapasaya sa kaniya. For I believe that parents are not meant to dictate the future of their children— they are meant to guide.   Hindi ko alam kung may pag-asa pa ba kami ni Papa para magkasundo. Ngunit kung hindi na talaga magbabago ang isip niya at susunod lang sa kung ano ang nakagisnan, siguro medyo malabo na. Buong akala ko pa nama’y babawi siya sa lahat ng naging pagkukulang niya sa akin. Iyong kahit hindi na bilang asawa kay Mama; kundi bilang isang ama para sa akin.   “Raph?”   Natauhan ako bigla. Mula sa pagkakatulala ay mabilis akong lumingon kay Rio.   “Yes?” tugon ko. Hinimas niya ang kaniyang braso at sumilay ng ngiti. The sun is already up. Sa tantya ko ay nasa alas siyete mahigit na ng umaga. Kung saan-saan na rin kasi kami nakarating. Sa sobrang lutang ko kanina ay nakalimutan kong kinukulang pala ako sa tulog.   “What do you think about entering the mini forest?” he asked. Lumalim ang linya sa noo ko dahil sa pagtataka. Then, we stopped walking.   “Mini forest?”   “Yeah, kakukwento ko lang.”   Napasapo ako sa panga ako. “Gosh, puwede pakiulit? Sorry, pre-occupied lang.”   He chuckled. “No problem. `Yong mini forest kasi na sinasabi ko ay dalawang kilometro pa ang layo mula rito. Though it’s part of our property, Tito Trivo warned me to not enter.”   Lalo akong nagtaka ako roon. “Ipinagbabawal?”   Tumango-tango siya. “Yupp. At iyon ang `di ko maintindihan. Ni minsan, hindi ko pa iyon pinapasok.”   “Have you asked why?”   “I did. Pero isa lang ang ibinilin niya. Sagrado raw iyon.” Mas lumapit pa siya sa tenga ko saka bumulong. “May sumpa.”   Natawa ako bigla nang malakas. Hindi naman siya makapaniwala sa naging reaction ko.   “Talaga, Rio? Naniniwala ang ninuno mo roon?” natatawa kong wika. Napakamot siya sa kaniyang batok.   “Iyon nga ang pinagtataka ko. Malakas ang paniniwala nila sa black magic.”   “Kung ako ang tatanungin mo, well, hindi ako naniniwala sa ganiyan. Gawa-gawa lang `yan ng kung sino man, panakot.”   Again, he slowly nodded. “So… what do you think? Papasukin ba natin o… hindi?”   Lumingon siya sa kanan, dahilan kung bakit napalingon din ako roon. May mini forest nga roon sa kadulu-duluhan ng ranchong ito at may malawak na lumang gate. May kalayuan; hindi kayang lakarin. Medyo creepy ang ambiance no’n pero malakas pa rin ang kutob ko na wala namang masama kung papasok roon.   I flipped my hair before answering. “Bakit `di natin subukan? Ikaw, kung anong gusto mo.”   “So it’s a yes?”   Sumang-ayon ako. “It’s a yes but… pag-isipan mo. Sa’yo kasi `yan ibinilin. Hindi sa akin.”   Mula sa akin, pinakatitigan niyang muli ang mini forest. Ilang segundo ang pinalipas niya para makapag-isip-isip hanggang sa napabuntonghininga na lamang siya.   “Mahirap ibalik ang tiwalang masisira. I promised Tito Trivo about that portion so I think, we should decline.” He turned to me. “Tara, ihahatid na kita sa inyo.”   Ikinatuwa ko ang sinabi niya. After all, kahit na may dumidikta sa kaniya na pumasok sa ipinagbabawal, nagawa pa rin niyang `di sumuway sa kung ano man ang naipangako niya. Napahanga ako. His uncles should be proud of him for not killing his own promise.   Muli niya akong ini-angkas sa bike niya upang ihatid ako sa amin. Iyon na rin ang naging pagkakataon upang mapag-usapan namin iyong tungkol sa mga sinabi ko kanina. Sinabi niya na huwag ko raw alalahanin ang mga sinabi ni Papa sa kaniya. Wala raw sa plano niya ang mahulog sa akin at nirerespeto raw niya ang desisyon ko.   Maliban pa roon, na-finalize na rin namin ang meeting para bukas. Available naman daw lahat ng mga members at nag-agree na magsisimula alas diyes ng umaga. So kahit na mayroong ganap, tuloy pa rin ang morning exercise namin. Nakatutuwa lang dahil mas determinado pa siya kaysa sa’kin.   **   “Nasaan po sina Lola at… Papa?” tanong ko kay Aling Judea pagkauwi. Huminto siya sa paglilinis ng mga muwebles dito sa sala saka lumingon sa akin.   “May event daw sa munisipyo at kailangan daw ng partisipasyon nila. Hinahanap ka nga kanina pero nasa jogging ka.” Nagkibit-balikat siya. “Pero may pumunta rito kanina para hanapin ka.”   Tumaas ang kilay ko. “Sino po?”   “Sandali lang,” aniya sabay bitaw sa feather duster. “May kukunin lang ako.”   Pagkaalis niya, umupo ako sa couch upang maghintay. Sino kaya ang tinutukoy niya gayong iilan pa lang naman ang kakilala ko rito sa isla?   Ilang minuto ang mabilis na lumipas bago siya bumalik dito sa akin. Ganoon na lang ang bilis ng pagkakatayo ko at sinabayan pa ng pamimilog ng mga mata sa nakita.   Inabot ni Aling Judea ang hawak na basket ng gulay. Naglalaman iyon ng okra, kamatis, talong, at talbos.   “Ipinapabigay niya `yan sa'yo.”   Nanginginig kong hinawakan ang hawakan ng basket na gawa sa ratan. Hindi ko alam kung paano ako magre-respond dito lalo’t iisang tao lang naman ang pumasok sa isip ko nang makita ito.   “S-si… si Jaslo po?”   She smiled and nodded. “Siya nga.”   Napatakip ako sa aking bibig. Oh my God.   “Crush mo, miss?”   Hindi ako tumugon. Itinuon ko lamang ang pagkakayuko ko sa mga gulay at napansin kong mga bagong pitas pa iyon dahil sariwa. Kung tutuusin, maaari na niya itong ibenta. Pero bakit kailangan pang ibigay sa akin?   Natunaw bigla ang puso ko sa tuwa. Dahil kahit sabihin mang `di ako fan ng gulay, ang sarap lang sa pakiramdam na siya pa mismo ang nag-initiate upang pumunta rito at magbigay ng ganito.   “Anong oras po niya `to inabot?” tanong ko.   “Bandang alas siyete, eh. Nakaalis na no’n ang Lola’t Papa mo.”   “S-hit,” mahina kong mura. “Si Jaslo Viendijo po talaga?”   She agreed, “Ang sakristan, miss.”   Dali-dali akong naglakad patungo sa kusina saka ipinatong sa hapag ang basket. Kaagad akong umakyat ng kwarto upang magpalit, mag-ayos, at magpaganda. Hindi ko palalagpasin ang pagkakataong nagbigay siya ng ganito. Taliwas man sa kaniya na bigyan ko ito ng kapalit, gagawa ako ng paraan.   I wore my boot-cut trouser and modest top. Ani Aling Judea, napaka-conservative ko raw tingnan which is sobrang aprubado sa akin. The thing is, I want to look decent. And as much as possible, conservative. Knowing na nature ni Jaslo ang pagiging church server, tingin ko’y wala sa taste niya ang pagiging liberated.   Sure, okay lang kahit na mag-adjust ako nang mag-adjust. Kahit marami akong kailangang baguhin sa sarili ko ay ayos lang. At least ginagawa ko ang best ko at `di nagpapalagpas ng pagkakataon. Mahirap magsayang ng panahon. Minsan, masakit.   Ibinilin ko kay Aling Judea ang mga gulay. Hangga’t maaari, gusto ko lang iyon na ma-display sa kwarto ko hanggang sa malanta. Nagulat pa nga siya sa naging turan ko but I’m being too sentimental. Gulay ang unang ibinigay sa akin ni Jaslo at kakaiba iyon sa mga lalaking panay chocolates at bulaklak lang ang alam na ibigay.   “Naku miss! Samahan na kaya kita? Baka mapano ka pa,” pag-aalala niya. Umiling ako at ngumiti.   “Hindi na po ako bata.”   “Ano pala ang sasabihin ko kay Mayor kung umuwi sila nang wala ka pa?”   “Uh, just tell them na nasa bahay ako ng kaibigan.”   “Sige…”   I smiled and walked out of the house. Matiyaga akong naghintay sa labas ng masasakyan and thankfully, may tricycle naman na huminto. I told the driver to bring me at the nearest bakeshop, sa bakeshop kung saan bumili noon si Papa. Dito ko rin kasi noon nakita si Jaslo at kung `di ako nagkakamali, baka suki rin siya rito.   Black forest cake ang binili ko nang makarating ako roon. I then hope na sana kumakain naman ng chocolate flavor si Jaslo. Wala na kasing ibang option. Ubos na raw ang stocks ng bakeshop kaya limitado na lang ang pamimilian.   Thankfully, the tricycle driver didn’t notice who I am. O baka kilala talaga pero `di lang vocal kagaya ng iba? Ano’t ano pa man, nagpahinto ako sa tapat ng bukid na siya ko pang lalakarin patungo sa tinitirhan ni Jaslo. Pagkabayad ko’t pagbaba, walang imik kong binitbit ang box ng cake na pagsasaluhan namin mamaya.   Habang naglalakad, hindi ko naiwasang mag-isip-isip tungkol sa mga maaaring maging usapan namin mamaya. How should I start a conversation? What topics would we discuss? If I asked about his hobbies and the likes, hindi kaya siya makahahalata? Pero bakit nga ba nagpaabot siya ng gulay in the first place?   Kung kaibigan ang tingin niya sa akin, edi good. Walang problema iyon dahil naniniwala ako na magandang pundasyon iyon para sa mas epektibong relasyon. Pero `di ko rin masisisi ang iba kung sasabihin nilang katangahan ang pinaniniwalaan ko. Ang alam ko lang, may mga kaibigan talaga na dapat hanggang kaibigan lang pero may isa na hindi lang basta pangkaibigan— gaya ni Jaslo.   Napapatingin-tingin ako sa mga puno ng niyog na hitik na ang mga bunga. Hindi lang iyon dahil may mga kalabaw na sa paligid, kambing, at baka na sa puwestong ito naman pinapakain. Hindi na nakapagtataka kung bakit kahapon ay wala ako nakitang hayop sa kabilang bukid. `Di lang pala sila nagse-settle sa iisang lugar.   Just as I reached the end of the pathway, napahinto at napatitig sa bakuran. Muli kong tiningala ang mataas na dayami at napansin na mas tumaas pa ito kaysa huling punta ko rito. May nagwawalis sa paligid— isang matanda na dati ko nang nakita sa amin at nakasabay ko na mag sunset rosary. Kung `di ako nagkakamali, siya si Lola Tasing na tinutukoy sa akin noon ni Jaslo.   Huminto siya sa pagwawalis at napatingin sa akin. Bigla siyang napabitaw sa hawak na walis-tingting at animo’y nakakita ng multo.   “I-ikaw ba ang… anak ni Mayor?”   Ngumiti ako nang malawak. “Opo.”   “Harusko!” bulalas niya at nataranta. Dali-dali siyang lumapit sa akin at inalalayan ako. “Buti at napabisita ka rito? Tuloy ka!”   I could feel the warmth of her welcome. Mukhang nagustuhan niya ang pagpapakita ko kaya `di na ito magiging mahirap sa akin. Refreshing lang din tingnan na may mga hayop na gumagala sa paligid. Partikular na ang sisiw ng mga manok, mga pato, at bibe.   “Ano palang sadya mo rito, hija?” tanong niya habang tinatahak namin ang daan patungo sa bahay nila. Nasa gilid ko lang siya at tila ba natatakot na magkamali ng hakbang.   “Uh… si Jaslo po? Kaibigan po niya kasi ako.”   “Kaibigan? Mabuti at kaibigan mo iyong alaga ko.”   “Nasaan po pala siya?”   “Nasa ilog pa siya eh, nagsasalok ng tubig pampaligo sa mga baboy. Bale sandali lang ah? Maghahanda lang ako ng miryenda.”   Nang marating namin ang terrace, inalok niya ako na umupo sa mga upuang naroon. Tumango lang ako saka ipinatong sa mini table ang box ng black forest. I wonder kung saan ang ilog na `yon. Malayo kaya iyon?   Nang pumasok na sa loob si Lola Tasing, ako na lang ang naiwan rito. Nanatili akong nakatayo saka tumingin-tingin sa paligid. Gaya noon, natutukso na naman akong humuli ng sisiw o `di kaya’y habulin na parang bata. But since naka-OOTD ako, saka na lang.   I was about to sit but an image of a topless man suddenly came out of nowhere. Pawisan siya at nagbubuhat ng dalawang balde na puno ng tubig. He’s only wearing his dark cargo pants kaya kita kung gaano katipuno ang kaniyang pangangatawan. Nang magtama ang aming mga mata, huminto siya sa bukas na tarangkahan at hinayaang titigan nang seryoso ang isa’t isa.   Bumilis ang t***k ng puso ko. Ang malala, muntik pa akong mabuwal sa kinatatayuan ko dahil may kung anong nanghina sa nanginginig kong mga tuhod. Goodness, Jaslo. Bakit ang hot mo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD