Hindi ko naman pala masisisi kung bakit ganoon siya kalungkot. But the fact na tinakasan niya ang obligasyon niya bilang ama, may posibilidad na baka hindi na siya tanggapin ng anak niya. Pero anong malay namin? Baka napalaki rin naman nang maayos ang bata. Maaari pa sigurong matuwa iyon sa oras na malaman nitong gumawa ang ama niya ng paraan— para lang hanapin siya. Basta’t isa lang ang namutawi sa akin mula sa usapang iyon: Ang anak ni Kairo ay nasa pangangalaga ni Jaguar— kay Jaguar na hindi ko naman kilala. Lumipas ang ilang minutong katahimikan, nagpasya na si Kairo upang tumayo para magsimula sa paglilinis. Bumalik naman ako sa loob ng mansion kung saan naabutan ko si Rio sa dining room, mag-isa at tahimik na nag-uumagahan. Nakatalikod siya mula sa akin kaya hindi napansin an

