┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Malakas na tumatawa si Cairo habang nakaupo siya sa sofa, parang walang pakialam kahit halos tumubo na ang sungay ni Trenz sa sobrang pagkapikon sa kanya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga ikinuwento sa kanya ni Trenz, kaya kahit na anong pigil niya, kusa lang talaga siyang humahalakhak. "Tang-na, tumahimik ka nga at baka kalimutan ko ang pagiging magkaibigan natin. Puro ka kagaguhan, Cairo, napipikon ako sa'yo. Dapat pala hindi ko na lang sinabi." Galit na sabi ni Trenz. He shook his head, watching his friend laugh like he’d finally lost it. "Walang nakakatawa, Cairo. Tumahimik ka diyan at napipikon na talaga ako sa'yo. Nagsabi lang naman ako ng totoo, gago ka talaga." Inis na inis na siya dahil ayaw tumigil ng kaibigan niya sa pagtawa. "Tang-na, Trenz, seriously? Yo

