┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ -Continuation... Hindi maunawaan ni Mary kung bakit nakatayo sa runway stage si Trenz. For a split second, parang huminto ang mundo niya. Para bang nag-pause ang lahat... ang ilaw, ang tugtog, ang ingay ng audience at ang tanging pagpintig lamang ng puso niya ang malinaw na malinaw sa pandinig niya. Naguguluhan siya... sobrang naguguluhan. Hindi ito kasama sa plano. Hindi ito bahagi ng script na pinag-aralan niya ng paulit-ulit sa harapan ng salamin. Ang alam niya, ang makakasabay niya sa rampa ay ang kuya niya hanggang sa huling gown... ang wedding gown na idinisenyo mismo ng isang Joyce Dux. Pero wala siyang choice. Kailangan niyang kumilos. Kailangan niyang maging professional. Kailangan niyang irampa ang suot niyang long gown... isang obra na kumikinang habang tinata

