┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "AAAAAAHHHHHHH!" Malakas na sigaw ni Trenz habang buong puwersa niyang ibinato ang mamahaling bote ng alak sa pader ng living room. Tumama iyon nang malakas, saka nagkadurug-durog sa sahig, kasabay ng isang kalabog na umalingawngaw sa buong mansyon. Sumabog ang alak, tumalsik sa puting dingding at sa carpet. "TANG-NA!" Malakas na mura nito habang iwinawasiwas ang kahit na anong mahawakan nito. Matinding galit ang nararamdaman niya. Hindi niya matanggap ang narinig niya mula kay Kenzo. Hindi siya papayag na maagaw sa kanya ng lalaking 'yon si Mary. "Papatayin ko ang Kenzo na 'yan, papatayin ko!" Muli nitong sigaw, ni hindi alintana na maaaring magising ang kaniyang anak at ang dalawa niyang kapatid na nasa third floor at natutulog na. Agad na kumilos sina Cairo at Ellij

