Chapter 45 "Leo" napatingin kami sa nagmamayari ng maamong boses. Si Mrs. Sebastian. Napahawak sa sentido ang matandang lalaki. Halatang na stress sa paguusap nila ng kanyang anak. "Kausapin mo yang anak mo eliza! Matigas nanaman ang ulo, hindi nanaman susunod---" hindi na nya natapos ang sasabihin dahil muling nagsalita si liam. " dahil sa pagsunod ko sayo kaya nagkanda letse letse ang buhay ko!!" namilog ang aking mata dahil sa pagsigaw nya sa kanyang ama. Maging ang mag asawa ay nagulat sa inasal ng anak. " liam anak, wag mong sigawan ang ama mo" ang mabagsik na muka ni liam ay naglaho ng marinig ang boses ng kanyang ina. " ang kagustuhan mo dad ang sinunod ko noon pa, kaya nga pinilit kong magpakasal sa akin si ingrid kahit hindi pa sya handa. Masyado nyo akong pinepressure! " nan

