Chapter 41 Habol hininga akong nagising at bahagyang napahawak sa dibdib dahil sa bilis ng t***k ng puso ko, nakahinga ako ng maluwag na makitang nandito pa rin ako sa condo ni krys. Hindi ko namalayan na nakatulugan ko pala ang paghahanap ng school ni liane tru online. Bumuga ako ng mabigat na hininga, pinunasan ang pawis sa noo at mukha bago sinara ang laptop. This past few days, napapadalas ang masamang panaginip ko, nagigising mula sa malalim na bangungot. Kaya kung minsan natatakot ako lumabas o maging mapagisa. Pakiramdam ko ay parang may mabigat na matang nakamasid. Nang minsan kasi habang nag grogrocery, parang may sumusunod sa akin, kung minsan naman nakikita ko o naaninag ang muka nya. Pero imposible yun. Nagha hallucinate na ata ako. Binabelawala ko na lang, dala siguro ng

