Chapter 43 Buong gabi akong hindi nakatulog. Parang natatakot ako lumipas ang araw at dumating ang araw na binigay ng tatay ni liam. Haist! Ayoko na sana magkaroon ng anumang koneksyon na kahit sino sakanila, pero parang tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para makilala ni liane ang tungkol sa kanyang ama. Masama ba akong ina kung ipagdamot ko sya? Ayoko lang naman sya masaktan at umaasa. Napatingin ako sa anak kong mahimbing pa ring natutulog. " anak para sayo gagawin ko lahat " sabay halik sa kanyang noo. " mary!mary! " halos mapabalikwas ako ng tayo dahil sa pagsigaw sa pangalan ko ni krys. " bakit krys anong nangyari?" Kinakabahan kong tanong. Maging si liane ay naalimpungatan sa lakas ng bunganga ni krys. " may bisita ka" hingal na hingal sya sa kanyang ginawa. Sabay Turo n

