Chapter 24 Liam Agad ako nagtungo sa sasakyan paglabas ko ng bahay ni mary, Pabalya kong sinarado ang pinto at agad na pinaharurot ang sasakyan. Ang galit ko ay sa kalsada ko nilabas wala akong pakialam kung magkaroon man violation sa kalsada sa bilis ng takbo ko. Habang tinatahak ang kahabaan ng kalsada ay muntik na ako mabangga sa isang truck pag overtake ko, sa lakas ng kanyang busina ay agad ko kinabig pabalik sa kanan, taas baba ang aking dibdib ng bigla akong makaramdam ng takot. Agad ko pinarada sa gilid ang sasakyan, ang pinaghalong kaba takot at galit ay sa manibela ko naibuhos. Ilang beses pinagsusuntok kulang na lang ay durugin ko ito at ilang beses nagmura. Napahilamos akonsa aking mukha at pabalyang tumango sa kawawang manibela. Hindi mawala sa isip ko ang pagtatalong

