Chapter1
Mary
" mary bilisan mo na dyan mahuhuli na tayo, mapapagalitan ako nyan ni mamu eh " sigaw sakin ni krystel mula sa labas ng banyo
Agad agad naman ako sa pagligo at maya maya naman ay lumabas na ako at nagbihis sa kwarto. Tinitigan ko ang aking sarili sa harap ng salamin.
" kaya mo yan mary " pilit na ngiti kong sabi
" maryyyyyyyyy " napabalikwas naman ako sa sigaw ni krystel at agad na kinuha ang gamit at lumabas ng kwarto
" jusko te ang bagal mo kumilos anong petsa na mamaya mapurnada pa tong sideline natin at mapunta pa tayo sa mga matatandang hukluban " pagtataray sakin ni krystel habang nanguya ng bubble gum
" p-pasensya na krys t-tara na" yaya ko sakanya, bigla naman nya ako hinigit sa braso at tiningnan ang muka ng may pagdududa.
" sigurado kana ba talaga dito mary ? Pwede pa namang umatras hindi naman to sapalitan. Papautangin kita " pagaalala nya sakin.
Si krystel ay pinsan/ bestfriend ko. Sya ang kasama ko ngayon sa inuupahan kong boarding house, maliit man pero kasya na para saming dalawa. Lagi naman kasi tong wala kung saan saan rumaraket sabi nya.
parehas na kaming walang magulang. Kayat naging malapit kami sa isat isa. Naglayas sya saknyang magulang dahil lagi nagaaway at kalaunan ay naghiwalay din, ngayon ay wala na daw syang balita at wala syang balak hanapin pa ang mga ito.
Mahal na mahal ko itong pinsan kong ito dahil sya ang kasama ko simula ng mangyari ang bangungot sa buhay ko. akala ko habang buhay na ako magiisa.
" kailangan ko to gawin krys. Marami ka na natulong sakin sobra sobra " napahigpit ako sapagkakahawak sa kanyang kamay at pilit na ngumiti upang matakpan ang kalungkutan sa aking muka
"Kailngan ko mabuhay kahit wala na akong magulang . At para na rin mahanap ko si mama" bigla naman ako kinurot sa dibdib ng maalala ko nanaman si mama
" malabo yang binabalak mo mary, kahit anong hanap mo pag ang tao ayaw na magpakita hindi mo na makikita " halos mahirapan ako huminga sa sinabi ni krys para akong pinagsakluban ng langit sa paulit ulit nya laging sinsabi sakin ilan taon naba ang nakakalipas 2.. 3 ? Hanggang ngayon umaasa pa rin ako. Hindi ko na alam.
Natigil naman ang aming paguusap ng may biglang tumunog ang cellphone ni krystel
" yes mamu opo otw na po kami.. yes mamu bye.. jusko mary nirarat rat nako ni mamu magtaxi na tayo para mabilis " sabay hila sakin paalis ng bahay.
Tahimik lang kami sa buong byahe ni krystel. Aaminin ko kinahabahan talaga ako sa pinasok ko lalo nat first time ko magtrabaho. Hindi ko naman kasi aakalain na aabot sa ganito magiging sitwasyon ko haaay.
" manong para!" Pagkababa ko ng taxi ay nagulat ako sa pagsigaw ng taxi driver.
" 150? Okay ka lang? 2 kayo tapos layo ng pinaghatiran ko sainyo! Aba miss budol yang ginagawa nyo irereport ko kayo sa police nyan " bigla naman akong kinabahan sa banta ng driver hindi kasi ako sanay sa ganong trato.
Dahil sa takot ay kinuha ko ang wallet ko 200 na lang ang laman, okay na siguro to pang ambag.
" ah eto po ma-- " nanlaki naman ang mata ko sa ginawang paghalik sa pisngi ni krystel sa manong driver with haplos pa sa dibdib omg.
" ikaw naman gwapo masyado mainit ang ulo mo , pasensya kana kasi wala pang sweldo " sabay ang pag puppy eyes nya
" haist sige na sige kung di ka lang maganda naku.. " pinaharurot na agad ang kanyang taxi , ngiting tagumpay naman ang ginawa ni krystel, unbelivable..
" simple as that mary, umpisa pa lang yan , masasanay ka din, tara! " hila nya sakin paloob sa bldg habang ako ay di pa rin makapaniwala sa nakita.
" mamu im sorry were late, traffic eh " sabay pulupot naman nya ng kanyang braso sa baklang mukang babaihan talaga sa ganda.
" nako lagi ka naman late krystel ano bang bago... oh sino yang kasama mo? " tinitigan nya naman ako mula ulo hanggang paa dahilan kung bakit lalo ako kinabahan.
" ay mamu sya sinasabi ko sayo naghahanap sideline.pinsan ko si mary "
" magandang hapon po Mam " nahihiya kong tugon habang sya ay nanatili pa rin nakakatitig saking katawan at pinaikutan ako ng lakad
" hmm pwede na, sige na pasok kana " nagkatinginan naman kami ni krystel sa sobrang saya.
" talaga po ba ? Kailan po ako maguumpisa? "
"Mamaya" napayakap naman si krystel sa kanyang boss
" salamat mamu hulog ka talaga ng langit, dalhin ko na sya sa loob mamu para maturuan ko bilang waitress "
" gaga anong waitress pinagsasabi mo, kasama nyo sya mamaya kapalit ni nikki, buntis ang gaga hindi na sya pwede "
" ha? Kapalit ni nikki? Hala mamu hindi pwede, inosente pa to tsaka virgin pa! " napamulahanan naman ako ng pisngi sa aking naririnig kahit nalilito ang kanilang trabaho na pinagtatalunan
" wala na ako magagawa krsytel yun lang ang bakante " pagtataray nya.
" tsk, ah eh ako na lang mamu wag sya hindi talaga to pwede " pag mamaktol nya.
"My decision is final. Isa pa espesyal ang gabing ito hindi basta basta ang guest krsytel alam mo yan. Now take it or leave it " napahawak naman ako sa kamay ni krystel upang sya ay uminahon. Bagamat nalilito ako sa trabahong inaalok nila ay nakapagdesisyon na ako.
" okay lang krys, desidido na ako, tatanggapin ko po ang trabaho " tututol sana krys ngunit nginitian ko ang aking pinsan upang mapanatag sya at malamang okay lang ako.
" okay time is gold girls, may ilang oras pa kayo para makapag ayos. Tandaan nyo mahalaga ang gabi na ito at ayokong may papalpak importante ang mga guest. Maliwanag ba? " sabay sabay namang sumagot ang mga babae at agad na pumasok sa loob ng kwarto.
" krystel, briefing mo na yang bago mo ano dapat nya gawin. Dahil sya ang star of the night " sabay talikod nya sa amin kasama ang ibang babae. Napatingin sakin si krystel na halatang nagulat sa sinabi ng kanilang mamu, naguguluhan man ay pinagwalang bahala ko na lang ang kanyang sinabi.
Nang makapasok na agad sa kwarto ay agad ako hinarap ni krystel at hinawakan sa dalawang kamay
" sigurado kanaba mary ? Hindi ka nababagay dito ano kasi eh ano.... haaay paano ko ba sasabihin "
" one nightstand sa guest " napatingin kami sa babaeng nagmemake up ng makapal akala mo ay may sagala ngunit bumagay naman sa kanyang maamong mukha.
" a-ano? " tila naman ako kinabahan sa aking narinig ano daw one night stand?
" Naku girl ang swerte mo kaya, bigtime ang guest natin ngayon.. pinapangarap ng lahat sayang nga lang yung isa ikakasal na type ko pa naman yun. "singit naman ng isang bababeng nagbibihis sa harap namin na akala mo ay walang ibang kasama.
Pinalibutan naman ako ng kaba sa aking narinig, gusto ko magback out at maghanap na lang ng ibang trabaho.. haay nalilito na talaga ako parang di ko kaya ang ganitong trabaho.
" 250, 000 may pang refund ka ? " napatingin naman ako sa babaeng akala mo super model sa victoria secret sa sobrang ganda nya.
" shut up denise! " iritang sabi ni krystel
" why krystel? Im just telling the truth, bayad na tayo dito, maswerte nga sya e The young f*****g billionare na si Liam Sebastian ang una nya. So if i were you grab it and enjoy ... because it's just one night " sabay talikod naman nya samin
Natulala ako sa aking narinig. Liam? Billionare? And 250,000 ? Yun ang presyo ko? Ano ako laruan na pwedeng bilhin? Kaso Wala akong pang refund don kaya nga ako naghahanap ng trabaho dahil kailangan ng pera haaaist... pero saan ako makakahanap ng ganong kalaking halaga in just one night ?.
Bumalik naman ako sa aking ulirat ng marinig ko ang pag tawag ni mamu.
"Okay let's go, grab your things or what so ever tapos sumakay na kayo sa van" nagpatinuod na lang ako sa pag hila sa akin ni krystel hanggang sa makasakay kami sa van. Buong byahe namin ay tahimik lang ako samantalang ang ibang babaeng kasama ko ay halatang excited para sa magaganap.
" yiiieh mahahawakan ko na sa wakas si papa philip tagal kong pinapantasya yun e " sabi ng babaeng mukang amerikana ngunit fluent kung magtagalog
" ako kahit kanino sakanila solve na ako, gagalingan ko talaga mamaya " singit nang isa na makapal ang make up kayat lalo syang gumanda.
Napatingin naman ako sa katabi ko na si krystel na pisil pisil ang aking kamay at parang naghahantay kung may sasabihin ako. Napayuko na lang ako at binalik ang tingin sa bintana.
Gabi na ng makarating kami. Tumigil kami sa isang napakagandang bar. 3 palapag ito at puro glass ang dingding , kitang kita sa loob ang kagandahan nito kaya literal na napanganga ako.
Napatingin naman ako sa katabi nitong mataas na hotel at sa baba ay makikita ang logo na LS, pinawalang bahala ko na lang ito.
Pumasok na kami sa front door nito na may 2 lalaki na malalaki ang katawan.
"ICY" at sabay pakita ng id ni mamu sakanila at agad na pinapasok kami.
Pagpasok namin ay walang katao tao saloob. Napabuga naman ako ng aking hininga na akala ko ay magpeperform kami sa harap ng maraming tao.
Napadako naman ang aking tingin sa nakasaradong pintong na may color black and gold. " VIP? " bulong ko sa sarili.
" okay girls, retouch and magbihis na kayo maya maya papasok na kayo " napahawak naman ako s braso ni krystel at hinimas himas ang aking kamay.
" gusto mo umuwi na tayo mary? Kakausapin ko si mamu "
" h-hindi krys o-okay lang ako, nandito na tayo walang atrasan to " alam ko di sya naniniwala sa sinsabi ko, maging ako naman ay aminadong niloloko ang sarili ko.
" eto susuotin mo, bilisan mo at magayos kana " napatingin naman ako sa binigay ni mamu. Isang robe na kulay pula, stiletto at.... at isang.... 2 piece? Wtf?
Nanginginig naman ang aking kamay habang hawak ang aking susuotin. napasandal na lamang ako at napaupo sa sahig.
Napapapikit at nanginginig na ang aking labi sa pigil na pagiyak ko habang nakatingin sa harap ng salamin
Suot ang stiletto na nagdagdag sa aking katangkaran, nakalugay ang aking wavy na buhok at nilagay sa gilid ng aking balikat. Naglagay ako ng red lipstick kahit ayoko sana, para daw bagay sa aking suot na pulang robe.
" mary ready kana? " mahinahon na tanong ni krys.
Eto na mary wala nang atrasan to. Para to sayo mama hahanapin kita at magkakasama na tayo.. Unti unti kong binuksan ang pinto at tumingin sa aking pinsan.
Napatingin naman sya sa aking mukha at halatang manghang mangha.
" wow! Just wow mary you're so gorgeous , look at you lalo kang gumanda ". Napangiti naman ako sa sinabi nya
Napansin nya naman ang bigla kong pagyuko.
" mary hindi mo kailangan gawin to, tutulungan kita maghahanap ako ng pera. Tsk bakit mo pa kasi kailangan hanapin ang nanay mo "
" krys nagusap na tayo diba, desperada na ako gagawin ko lahat mahanap ko lang si mama. Iniwan na nga ako ni dadi tapos...." napayakap naman sakin bigla si krystel at agad na hanaplos ang aking likuran.
" oo na oo na, ano pa magagawa ko eto lang ang alam kong raket na malaki ang sweldo.. tara na baka hinahanap na tayo. Magsisimula na tayo. "