Chapter 8: Daddy

2660 Words
Maaga ako gumising, nagwalis ako ng paligid at naglampaso ng sahig. Nagdilig na ako ng halaman at bumalik ako sa loob. "Lola pahingi po ako ng pambili ng almusal." Ngumiti lang siya sa akin at dumukot ng pera. "Keep the change PJ." One thousand pesos ang inabot niya sa akin. Bumili ako ng 50 pesos na pandesal at 50 pesos na hotdog. Bumili din ako ng itlog at mantika. May natira pa na 800 bumalik ako sa bahay. Nakita ko si ate naghihilamos. "Ate paki luto mo daw ito sabi ni Lola, at ibigay ko daw sa iyo itong 100 pesos." "Talaga!.. akin ito PJ?" "Oo, basta iluto mo daw itong almusal natin." Naligo na ako at nagbihis, pinuntahan ko ang cell phone kong nakacharge sa kwarto ni Lola. Binulsa ko ito at pumunta ako sa kwarto namin, ginising ko ang kambal. "Kambal gising na, pinabibigay ni Lola tig 100 kayo." Biglang nagising ang kambal ng nadinig ang pera. "Talaga!.. sa amin ito, sagot ng Kambal." "Oo, tara almusal na tayo." "Mukhang may lakad ka yata PJ?" tanong ni Kuya. "Meron nga Kuya, pupuntahan ko si Jenny yung anak ni Mayor may ibibigay daw na cellphone para sa inyo." "Cellphone.. talaga!.. gulat ni Dite Luisa." "Parang ayaw niyo yata, sige hindi na ako pupunta." "Ano pa ginagawa mo dito PJ?" "Lakad ka na basta yung cell phone ha.. paki uwi mo PJ." "Mag-aalmusal muna ako, ako ang namili ng almusal eh." "Huwag na doon kana mag almusal kala Mayor masarap almusal nila doon" sulsol ni Ate Liza. "Lola aalis na po ako." "Bakit hindi ka muna magalmusal?" "Pinagtatabuyan na nila ako Lola." "Ikaw kasi sinabi mo agad." "Nakikinig din po pala kayo, sige po aalis na po ako Lola." Paglabas ko ng pinto, nakita ko si ate Lily bihis na bihis. "Ate Lily saan yung punta mo?" "Papasok ako sa trabaho PJ, muntik na nga ako hindi magising ng maaga dahil sa ginawa natin." "Ano trabaho mo Ate?" "Saleslady ako sa department store sa Mall sa bayan." "Ate ohh." Abot ko ng 500 pesos kay Ate Lily. "Alam ko wala kang pera pang budget mo." "Salamat PJ babayaran kita pag nakasahod na ako." "Sige lang, pagkulang pa lapit ka lang sa akin may naitatabi pa ako dun Ate Lily." "Saan punta mo PJ?" "Ahh!.. kala Mayor po pinapapunta ako ng anak niya." "Girlfriend mo ba ang anak ni Mayor.. Pj? "Hindi po kaibigan ko lang po siya Ate." "Sige una na ako PJ ingat ka." "Ingat ka rin Ate Lily sa biyahe." Tinignan ko cellphone ko may text si Sam. Binasa ko. Sam - "Good morning boyfriend." May text din si Jenny. Jenny - "Ipapasundo na lang kita sa inyo PJ." Biglang tumunog yung cellphone ko tumatawag si Jenny. PJ ; "Hello.. Jenny. Jenny ; "Hello.. PJ nakagayak ka na ba? Pasusundo na kita dito kana." mag-almusal. PJ ; "Oo, nakagayak na ako, suduin mo na lang ako sumama ka nakakahiya naman." Jenny ; "Kagigising ko lang hindi pa kasi ako nakaligo PJ." Pj ; "Ok lang yan hindi naman ako maarte, saka maliligo naman tayo mamaya." Jenny ; "Sige susunduin na kita, sabay na tayo mag-almusal PJ basta may kiss ako." PJ ; "Oo, di pa nga ako nagaalmusal sige kahit ilang kiss bibigyan kita." "Dito mo ako sunduin sa JP Rizal sa may waiting shed." Jenny ; "Alam ko na bahay ninyo noon pa." "Wait mo na lang ako PJ." Binaba na niya ang tawag, nang muling tumunog ang cell phone ko. Si Samantha naman ang tumatawag. PJ ; "Hello.. Sam." Samantha ; "Hello.. Good morning musta PJ." PJ ; "Buti inabot mo pa ako paalis na kami ni Lola, Sam." Samantha ; "Saan ba punta niyo?" PJ ; "Sa bukid ng Lolo ko, sa kapatid ni Lola. Sam iiwan ko yung cell phone ko. Mga 6pm kana tumawag wala kasi signal doon. Bukas bawi na lang ako sa iyo." Samantha ; "Ganon ba, Sige mamaya pagdating mo tawagan mo agad ako." Pj ; "Ikaw na tumawag wala na ako load eh.. please..! Samantha ; "Ok sige mga 6:30 na ako tatawag para sigurado nasa bahay ka na." Pj ; "Ok salamat Sam." Samantha ; "No problem boyfriend." Binaba ko na ang tawag ni Samantha. Hirap magsinungaling siguro sa susunod isa na lang kada linggo para di ako hirap. Biglang may huminto sa harap ko na isang kotse. Bumukas ang bintana. "Good morning" bati ni Jenny. "Good morning.. talaga bang kagigising mo lang, ang ganda ganda mo kasi." "Nambola ka pa!.. sakay ka na PJ." "Di' totoo kasi pag kapatid ko pagkagigising sabog yung buhok parang bruha." "Nagsuklay naman na ako at naghilamos." "Ayusin mo na cellphone ko Jenny, at baguhin mo na screen saver ko." "At paki turuan mo naman ako magtext Sis." "Loko ka sabi ni Daddy tanggap ka niya maging son in law, hindi kapatid ko." "Ganun ba, di naman kasi niya niliwanag eh." "Wala pa naman ako tatay, at ngayon magkakatatay na ako Mayor pa." "He he he.. hindi nakakatawa PJ, ganito lang magpalit screen saver PJ." "Click mo ito tapos punta ka dito, hanapin mo picture na gusto mo gamitin na screen saver." "Tapos click mo ito, tapos i-center mo." "Yan! tapos na PJ." "Ok, gets ko na Jenny. "Paano naman magtext Jenny?" "Easy.. punta ka sa message ng katext mo katulad nito Samantha." "Sinong Samantha toh.. ha!.. PJ? "Miss ka na daw niya at boyfriend pa tawag sa iyo." "Sige na turuan mo na ako, mamaya ka na magselos." "Ayoko na!.. nakikipaglandian ka lang pala sa iba." Sige na mas mura ang text kesa sa call, ayoko magastusan ka sa akin Jenny." "Tapos gagamitin mo load mo sa iba." Inakbayan ko si Jenny at hinalikan ko siya sa pisngi. "Sige na turuan mo na ako please!..." Alam ko kahinaan niya. "Malambing ka lang kapag may kailangan ka." "Huwag ka na magtampo wala ako girlfriend Jenny." "Bakit boyfriend tawag sa iyo ng Samantha na iyon?" Nilapit ko lalo si Jenny sa akin at hinalikan ko ulit siya sa pisngi. "Tagalugin mo ang boyfriend." "Kasintahan..." "Hindi tagalugin mo boy / friend." "Lalaki at kaibigan..." "Yun!.. nadali mo." "Kaibigang lalaki?" "Oo, selos ka naman kasi agad eh." Pinisil ko ang ilong niyang basa. "Turuan mo na ako sige na." "Click mo lang tong message may box dito sa baba, compose ka ng text then send mo." "Ganito, Jenny huwag kana magselos ayoko pumangit ka Sis, then send." Tumunog ang cellphone niya binasa niya ang message pagkatapos sinuntok ako sa braso. "Kainis ka alam mo love kita tapos niloloko mo ako." "Wow!.. pwede bang like muna bago love?" Inakbayan ko ulit siya at piningot ko ilong niya. Huminto ang sasakyan at bumukas ang pinto. Nakita ko si Mayor nakatayo sa pintuan bumaba ako at lumapit kay Mayor. "Mano po, Daddy." "Kaawaan ka ng Diyos anak." Bumaba si Jenny at nagdadabog. "Daddy nakakainis ka." "Ate wag kana magtampo" biro ko. "He!.." "PJ ikaw palang ang naglakas ng loob alaskahin iyan." "Bakit po?" "Ibang klase mainis yan mamamaril PJ." "Talaga.. ho!..." "Oo.. kaya walang nagbibiro sa kanya dito sa bahay bukod sa akin." "Nasaan po nanay ni Jenny Mayor?" "Wala na ang asawa ko ng ipanganak niya si Jenny, kinuha na siya ni Lord." "Sorry po Mayor hindi ko po alam." "Ok lang PJ matagal na rin patay ang asawa ko." "Bigyan niyo po ng bagong Nanay si Jenny at kapatid para po hindi na siya magsungit." "May girlfriend na rin ako kaso di ko siya mapakilala kay Jenny, at may anak siya na babae 5years old." "Byuda na si Arlene kababata ko siya PJ." "Mabait naman po ba si Arlene Mayor? "Oo, sobra!.. PJ." "Puntahan niyo po, ayain niyo po dito na kayo mag-lunch mamaya." "Daddy paborito ko po ang Menudo." "Tingin mo ito na ba ang tamang oras PJ." "Opo, hanggat may distraction si Jenny." "Tingin mo tatanggapin siya ni Jenny." "Try po natin wala naman mawala sa akin sa inyo meron." "Gago ka!.. i mean..." "Wag na po kayo magpaliwanag ihahanda ko po si Jenny." "Dalhin niyo na po dito magiging Mommy namin." Kuminang ang mata ni Mayor at nakipag-fist bump pa sa akin bago umalis. Lumapit ako kay Jenny nakaupo siya sa mahabang upuan at niyakap ko siya sa likod. "Ano napag-usapan niyo ni Daddy mukhang masaya siya ahh..." "Masarap siguro magusap kung busog, tara almusal na tayo Jenny." "Wait ipapahanda ko doon sa pool area yung almusal natin PJ." "Huwag na doon, sa kusina na lang tayo kumain Jenny." "Ayoko dun, i hate the smell." "Sayang ang gusto ko pa naman sa babae yung walang arte." "Sige na nga!.. dun na tayo sa kusina PJ. "Huwag na napipilitan ka lang yata eh." "Ayoko lang doon kasi hindi ako close sa mga kasambahay namin." "Bakit masama ba ugali mo Jenny?" "Hindi naman, kaya lang tingin nila sa akin masungit at suplada ako." "Tara linawin natin ngayon Jenny." Nagtungo kami sa kusina at talaga naman parang nakita sila ng multo. "Manang pa handa nga po ng almusal." "Sige doon na po kayo sa dinning area Señorita." Nakayuko pa talaga si Manang kapag nagsasalita. "Dito na po kami magaalmusal Manang, kaibigan po ako ni Jenny." "Sinyorito at Sinyorita doon na po kayo sa dinning baka po mangamoy ulam kayo." "Hindi po ako mayaman at gusto ko makilala rin niyo po si Jenny na hindi po maarte." "Malungkot po siya palagi kasi feeling niya nag-iisa lang po siya palagi." "Kumakain ka ba ng tuyo?" bulong ko kay Jenny. "Oo paborito ko kaya yun PJ, lalo na kung may kamatis at malamig ang panahon." "Lagi namin ulam ni Daddy yun kapag umuulan sa umaga" bulong ni Jenny sa akin. "Pa prito po ng tuyo at ilog sunny side up Manang, saka po pahingi ng kamatis, pasangag din po ng kanin paki damihan po ng bawang" utos ko kay Manang. "Damihan niyo na po sabay-sabay po tayong kumain." "May gusto ka pa ba Jenny?" tanong ko kay Jenny. "Wala na sinabi mo na yung paborito ko PJ." "Manang may danggit po ba kayo at daing na pusit?" "Meron po Señorito kadarating lang po ng order ni Mayor." "Pa prito din po, paborito daw po ni Jenny yun." "Alam mo talaga ang gusto ko ha PJ." "Iperito niyo narin po ako Manang." Natawa si Jenny at si Manang pati ibang kasambahay. "Manang PJ na lang po ang itawag niyo sa akin." "Ilan po ba kayo dito Manang?" "Sa kasambahay po bukod sa akin may dalawa pa, isang hardinero at dalawang driver." "At dalawang body guard po ni Mayor." "Yung isang driver po saka yung dalawang body guard po umalis na po kasama ni Mayor, yung isang driver day-off po." "Sige po pahanda na lang po yung kasya lang po sa atin." "Nagkakape ka ba Jenny?" "Hindi hot choco lang ako." "Tara timpla tayo habang naghihintay." Nagtimpla kami ng kape at hot choco. "Ako na po ang magtimpla" sabi ng isang kasambahay nila Jenny. Kasing edad lang yata namin ito. "Ano name mo?" "Jenny din po pero tawagin niyo na lang po akong En-en." "En-en timpla tayo anong gusto mo?" "Hot choco rin po ang gusto ko" sagot ni En-en. Ang lagkit ng tingin sa akin ni En-en naka kagat labi pa siya at hindi mapakali. "Manang ano pong gusto niyo kape o hot choco? "Kape akin PJ walang asukal" sagot ni Manang." "Sa akin po hot choco" sagot ng katabi ni Manang. "Anong name ng katabi ni Manang?" tanong ko Kay En-en. "Mama ko po yun Elvira name niya." "Sexy ng Mama mo ha parang dalaga." "Nasaan si Tatay mo En-en?" "Wala akong Tatay naanakan lang po si Mama." Siniko ako ni Jenny. "Jenny si Jenny at Mama niya yung katabi ni Manang." "Oy! tukayo pala tayo." "Ate Jenny nalang tawag mo sa akin En." "Wait ilan taon ka na ba En-en?" "Fifteen na ako" sagot ni En-en. "Kaedad lang natin ito." "Sixteen na ako PJ" sabi ni Jenny. "Kami lang pala ang magkaedad." "Ilan taon na si Mama mo En?" "Thirty one going to Thirty two na siya malapit na kasi birthday niya" sagot ni En-en. "Bata pa pala si Mama mo, kung ganun 16 lang siya ng na buntis." "Nag-aaral ka pa ba En-en?" "Naghinto ako pero sabi ni Mayor pag-aaralin daw niya ako sa pasukan." "Si Jenny gusto niya ng kaibigan pwede ka ba?" "Oo.. naman gusto ko siya lagi lapitan kapag nag-iisa siya, kaya lang nahihiya ako napaka ganda kasi niya." Ohh!.. magkamay kayo, Jenny ito si En-en. "Baliw pinagkilala mo na kami kanina." "Tara luto na kain na tayo" sabi ni Manang. Naghain na sila tabi kami ni Jenny sa gitna nila ako ni En-en. Katapat ko si ate Elvira naka short lang siya ng maluwag at maiksi ang kinis ng legs niya kita kasi sa ilalim ng lamesa at ang tambok ng pepe niya baka may napkin. "Manang nasan po yung hardinero?" "Hardenera!" sagot ni Manang. "Bakit babae po ba siya?" "Hindi shoke" sagot ni Manang sabay tawa. "Tinawag ko na dadating na yun" sagot ni Ate Elvira. Nagtatawanan kami ng biglang bumukas yung pinto pumasok ang isang bihis babae mahabang buhok na may mud pack na kulay green sa mukha. "Eto na po pala ang hardinera namin si Joel" pakilala ni Manang. "Ligaya na lang po ang itawag niyo sa akin." Lalong lumakas ang tawanan namin. "Ay!.. Señorita nandiyan po pala kayo." "Jenny na lang ang itawag mo sa akin at ito si PJ bisita ko." "Ang gwapo naman po ng kasama mo Jenny, at ang yummy..!" "Sa akin yan Ligaya, ako ang magpapaligaya sa kanya." "Sorry po, katakot ka naman Jenny." "Tawanan tuloy ulit, na huli ko naka tingin sa akin si Ate Elvira at nakikita ko sa ilalim ng lamesa ang singit niya. "Ohh.. kain ng kain marami pang sinangag doon" singit ni Manang. "Ay!.. may danggit may favorite" sigaw ni Ligaya. "Hinaan mo nga boses mo" sabi ni Manang. "Sensya na po bihira lang ako makatikim niyan eh." Masaya kaming kumain, pagkatapos naglakad kami ni Jenny sa palibot ng bahay nila. "Ang dami ko nakain PJ." "Ganun talaga kapag may kasama kumain Jenny gaganahan ka." "Yan ha hindi ka na mag-isa kakain close na kayo ng mga kasambahay niyo." "Salamat PJ." "Jenny may sasabihin ako." "Ano yun PJ." "Huwag kang magagalit at intindihin mo ang sitwasyon." "Promise hindi ako magagalit pero malulungkot ako, may girlfriend ka na ba?" "Tangek!.. hindi tungkol sa akin, sa Daddy mo." "Bakit, ano tungkol sa Daddy ko?" "Anak niya talaga ako Jenny." Kung kanina nalungkot lang, ngayon naluluha na talaga siya kaya niyakap ko siya. "Kaya mo yan Jenny, matatanggap mo rin iyan." Hinimas ko pa talaga ang likod niya." "PJ totoo ba talaga, magkapatid tayo?" Umiiyak na talaga siya. "Matatanggap ko kung may anak sa iba si Daddy, wag lang tayo magkapatid." "Talaga..!" "Oo.. mas madali yun tanggapin kesa magkapatid tayo PJ, dahil gustong gusto kita." Basa na talaga balikat ko sa luha niya, naguilty tuloy ako. "Tahan ka na hindi tayo magkapatid Jenny." "Talaga..!" Pinaglalaruan mo ba ang damdamin ko PJ?" "Hindi naman, hindi ko lang paano sisimulan." "Nakikita ko kasi malungkot ka, kaya sinabi ko sa Daddy mo bigyan ka ng bagong Mommy at kapatid." "Kaya siya masaya kanina, may girlfriend na pala siya recently, gusto niya ipakilala sa iyo kaso hindi niya alam paano sasabihin sa iyo." "Byuda na ito kababata niya at may anak na siyang babae, 5 years old." "Ano ang iyong saloobin mo Jenny?" "Matagal ko na gusto sabihin din kay Daddy na malaki na ako, kaya pwede na siya mag-asawa tumatanda na siya at kailangan niya rin ng makakasama sa buhay." "Hindi ko rin alam saan ako magsisimula PJ." "Dadalhin niya sila dito mamaya ang magiging Mommy mo at papakilala sa iyo, dito sila mag-lunch." "Salamat PJ ang laki ng mga naitulong mo sa akin at sa Daddy natin." Ako naman ang natawa sa sinabi niya. "Ha ha ha.. tanggap mo na ba akong kapatid Jenny." Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD