CHAPTER THIRTY FIVE

1465 Words

|CHAPTER THIRTY FIVE| NATARANTA ako bigla nang magtama ang paningin namin. Nanlaki din ang mga mata nito at tila gulat rin nang makita ako. Dali-dali akong naglakad para sana lumayo nang tawagin ako nito sa pangalan ko. "Astherielle! Astherielle wait!" Sigaw nito nang hindi ako tumigil sa unang tawag niya sa pangalan ko. Pero nang tawagin niya ulit ang pangalan ko sa ikalawang pagkakataon ay napatigil ako pero hindi humarap. Narinig ko ang mabilis na pagtakbo nito patungo saakin. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim bago nagmulat ulit. Humarap ako sa kaniya na seryoso ang emosyon ko sa mukha. Naaalala ko parin ang nagawa ko noon at nagi-guilty parin ako. Pero hindi ko din naman malimutan ang kasamaang ginawa nito saakin. Hindi ako ngumiti sa kaniya. Seryoso parin ang mukha ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD