|CHAPTER THIRTY ONE| PAGKATAPOS ng kasalan ay dumiritso na ang lahat sa reception. Sinabihan ko ulit ang mga empleyado ko at naging okay naman ang pagsi-serve. Nakaupo lang ako mag-isa sa isang table habang umiinom ng juice. Si David ay kausap ang mga ibang businessman. Ang bagong kasal naman ay abala sa pag i-entertain sa mga bisita. Medyo nababagot ako kaya kinuha ko ang cellphone ko sa bag at tinext ang yaya ni Ashleigh. Tinanong ko kung tulog na ba ito at ang sabi ay tulog na daw. Napagod sa kakalaro. Nakipagpalitan pa ako ng texts nang may tumawag saakin. "Astherielle!" Sigaw ni Lauren na ngayo'y nakasuot na nang white dress. Malaki kasi ang gown nito at kung susuotin niya pa sa reception ay mahihirapan na siya. Tumayo ako at ngumiti sa kaniya. "Congratulations!" Ani ko at naki

