#WTMH Roll 10: Knight (pt.II)

4642 Words
Nag-tiim bagang si Fire. "Pag malaman ko lang na may kinalaman si Lola sa pagkamatay ni Winter ---- " "Hey." Lingon ni Noah sa pinsan. "We don't have solid proof yet, Fire. Hold your horses. Wala akong pinapanigan pero hangga't wala tayong pruweba, wag tayong tumalon sa isang konklusiyon. Based on Aunt Bethany's entries..." Noah scans the photocopied diary. "Grandma Cora was just jealous of Mary. Isa pa.. di naman tayo sure na ang Mary na tinutukoy rito ay ang reyna." "The question is why Grandma sent Uncle Clive (Noah's Dad) to defend the suspect behind the killing of the princess and my mother and Elaine." Isaac's voice is dangerous. Noah sighs. Mahirap makipagtalo sa dalawang pinsan na pawang may pinaghuhugutan. "Let's just... can we just study the diary's entry?" Kumuha pa siya ng iilang kopya ng entries. "Where's the diary, Ice?" "On my table." Nilingon ni Noah ang orange na notebook sa mesa ng pinsan. "Where did you find it?" "Nakita ni Yaya Meds sa box ng mga lumang gamit ni Dad sa bodega." "Uncle Eli's? Ba't naman napunta yun doon?" Fire, as an ex-military mentally trained to process small clues and information answered. "My guess is that Uncle Eli, being the eldest among the siblings, discovered that it was unhealthy for Aunt Bethany to keep a diary full of pain. Nag-iisang kapatid na babae lang nila si Aunt Bethany. Protective as he goes, he confiscated the diary. The last entry she had is on 1983." "Or..." Bahagi ni Noah sa sariling haka. "Maybe Uncle Eli wants to protect their family. He thought that if someone read her diary, some secrets will be known." He scans every paper he holds. Kaunti lang ang entry na may pangalan na Mary. Most are her experience in school, crushes, her favorite color, and of course about their family – of how Arthur and Cora seem to fight almost every night and how Uncle Adamson keep Aunt Bethany company to soothe her troubled mind. Walang masyadong nilalaman ang mga entry na pwedeng makapagtuturo na ang Mary sa diary ang reyna. But deep down, Noah had a hunch. Ang dami kasing nagtuturo na may parte nga ang reyna sa pamilya nila. Unang-una na riyan ang nangyaring trahedya sa anak nito at sa Aunt Charlotte at sa pinsang si Elaine. Ikalawa, ang aksidente ni Fire – kahit walang pruweba... alam nilang magpipinsang higpit ang tutol ni Cora sa relasyon nung pinakilala palang ni Fire ang babae sa kanila. Maybe because Winter had the same hair color as King Francis' and Margaret's. Pangatlo, ang Mary na pinagseseslosan ng lola nila. If indeed Mary has some role to play in their family, then it will explain everything why their grandmother hated everything about the Scotts. It's not their ancestors' war anymore. It's the battle of the two Queens. Binaba niya sa tabi ang nabasang mga papel at kumuha uli ng bago. He froze upon reading a new but very familiar name. "Ow, shit..." Napalingon sa kaniya ang dalawang pinsan. "What is it?" Tanong ni Fire. Nanlamig si Noah na binaba ang papel sa mesa. "Look." Niyuko nilang tatlo ang isang entry ng diary. 'June 21, 1982. My Dad killed a man named Francis.' That's just it. Nothing else was written after it. One sentence with thousands of meaning. Nagkatinginan si Noah, Isaac at Fire. "Wasn't the Scotland's... late king..." Noah turns to Fire. Napalunok si Fire. > Winter smiles as she was riding at Fire's back. "The King's name? It was...." "Francis Charles Edwin Scott." Dugtong ni Fire. Napaupo nalang si Isaac sa sofa. "Hell no." Niyuko ni Noah ang mga papel na pinatong-patong ng mga pinsan niya na may naglalamanng panglan na Mary. "And now we're talking about Queen Mary Alexandrina Scott here, guys." CAMP | SCOTLAND Mag-a-alas otso na ng gabi nang dumating sila Margaret at Joaquin sa kampo. "Hi. Good evening!" Bati niya. Napalingon sa kaniya ang mga kababaihang naglinis sa mga pinagkaininan ng mga ito at ang mga batang gising pa at naghihintay sa kanilang mga ina. "PRINCESS!! "Princess Marga!!!" Mabilis na takbo ni Isla sa kaniya na agad niyang binuhat at niyakap. "Miss me?" Tumango at ngumisi ang bulilit. Binalingan ni Marga ang mga ito. "I brought us supplies." They turned towards the car where Jean and Ussie are busy hauling the grocery items. "Bumili ako ng pwede nating magamit sa pangluto, paglalaba, panlilinis. Kahit yun lang pwede kong maimbag." Ngiting paumahin niya. She kisses Isla's cheek. "I also brought sweets and chocolates for the children." "CHOCOLATES!!!" Sabay na sigaw ng mga bata na tinakbo ang mga pinamili sa mesa. "Uy! Bukas na 'yan." Pagbabawal ni Sally. "Gabi na para kumain kayo ng mga matatamis." Yumukod ito sa kaniya. "Salamat, mahal na prinsesa." "Wala yun" Binaba niya si Isla. She pats her small head. "Di kasi ako makakapaggalaw dahil sa sugat ko. Ayoko namang maging pabigat." "Ay nako! Di ka po pabigat sa amin!! Ang laki na po talaga ng naitulong niyo." She smiles. Nilingon niya si Joaquin na lumapit sa kaniya. "Di ka pa ba matutulog?" Tanong nito. Umiling siya. "Tutulungan ko pa silang ayusin ang mga pinamili." Di ito tuminag at matapos ang ilang segundo'y tumango na rin. "Have it your way." At tumalikod na ito papunta sa tent nitong kasing-laki rin ng tent nila. "AKIN YAN!!" , "UY! AKO UNA NAKAKUHA NITO!" , "AKO KAYA!!" She turns to the children fighting over a pack of lollipops. "Kids...." Napalingon ang mga ito sa kaniya. Magiliw siyang ngumit at kinuh ng pakete ng lollipop. "Sorry. This is mine." For a sweet-tooth like her, walang edad-edad na kinokonsidera basta matatamis na pagkain. Handa siyang makipagaway alang-alang sa mga lollipop niya. . . While the women are busy arranging the groceries inside a tent, Margaret walks around with her hands behind her back as if looking for... someone. "Hmmm?" She peeks behind the tents. She walks further and leans back to look at the portable comfort rooms/c.r.. Naglakad pa siya at tiningnan ang direksyon ng tent niya at tent ni ---- "Looking for me?" Nahigit niya ang hininga at di agad ito nilingon. He's standing behind her. Pumikit siya at pilit pinapatahan muna ang nagsisitalon niyang puso. 'O-Oy... k-kalma...' Nilingon niya ito. "Hi, Isaiah." Pilit niyang ngiti. Underneath the moon, his long lashes hooded his blue-eyes and accentuated his sharp features. "Nakabalik na pala kayo." She nods. "Oo. Medyo nagabihan lang kasi marami akong binili para ----" "Why are you explaining?" Putol nito. Natigilan siya. 'Oo nga... bakit ba ako nagpapaliwanag?' "M-Maybe you'd ask." Agad niyang iniba ang paksa. "G-Gising ka pa?" He nods and closes his eyes to bask under the moon light. "Yeah. I took your horse for a run." Napakurap siya. "A-Ano? S-Si Chomper?" "Chomper?" Niyuko siya nito. "Like the violet Venus Flytrap in Plants vs. Zombies?" She nods. "Where is he?" "Peashooter... Chomper... Zombie... Sunflower..." He points towards the woods. "He's in there. Eating some wildflowers." Naglakad si Margaret papunta sa direksyon ng kabayo niya. "Chomper was not really good with strangers other than kids. Medyo mailap siya at mabangis." Nakasunod sa kaniya ang lalake. "He nearly stomped on me on my first ride. Joaquin and Nelson helped him to be familiar with me." Then they saw the horse tied on a tree, eating flowers and grass. The forest looks like paradise because of the bright moonlight entering among the treetops that made more welcoming by few fireflies and soft breeze. Dinama niya ang ulo ng kabayo. "Paano mo siya napaamo?" Lingon niya rito. He shrugs. "He's not Peashooter." Doon siya napatawa. Peashooter and Isaiah had some... fatherly-enemy relationship. "Grabe ka naman. Di lang showy si Pea. Mahal ka naman nun." Nilaro ng mga daliri niya ang buhok sa likod ng leeg ng kabayo. "Eh ikaw ba?" Nilingon niya ito. "Huh?" 'Tama ba narinig ko?' "So why are you looking for me?" "Ah!" May dinukot siya sa bulsa at nilahad ang isang lotion. "Here." Nagsalubong ang kilay ni Isaiah na niyuko iyon. "What's this?" Tinanggap nito iyon. "S-Sunblock... lotion." "Sunblock?" One corner of his lip went upward. Namula ang prinsesa at nag-iwas ng tingin. "K-Kasi... nagbibilad ka sa araw. Swerte ka at di ka umiitim pero namumula naman." Unconsciously, she reaches and touches his strong arm. "Oh... tingnan mo." He inwardly groans. His damn body is reacting. "Don't do that." "Huh? Ang alin --- ah sorry!" Agad na binawi niya ang kamay. "S-Sorry." 'Close kayo Marga para humawak-hawak ka na?' "Gamitin mo 'ah. Lalo na sa braso at balikat... pwede rin siya sa mukha. Binasa ko ang label --- " "I do know how to apply a sunblock, Margaret." Nasapak nalang niya ang noo. 'Oo nga, idolo nga pala ito noon.' Idols are known to be physically conscious. Of course, even a kid knows how to apply sunblock. "S-Sorry ulit." Kagat niya sa labi. "Good thing you wiped off your lipstick." Dinama ni Marga ang labi. "Ah... oo nga. Bakit nga pala?" Tingala niya sa matangkad na lalake. "You don't like the color? Sorry..." Hingi niya ulit ng paumanhin. 'It was the opposite.' Isaiah stares at her bare, pink lips. 'It looks like bubblegum that I love to chew and bite.' "You know what you should be sorry about, Marga?" "Ano?" Her eyes wide as if thinking what she has done wrong. Nainis si Isaiah. Sometimes her naivety and innocence want him to wring her neck. "Joaquin touching and kissing you, Marga." "It was just a quick kiss?" "Still a kiss." At tumalikod ito para umalis. 'Huh? Yun lang? Walang paliwanag?' Siya naman ang nainis. "Anong kinalaman ng lipstick ko at kay Joaquin? Are you... by any way... jealous?" Kanina pa kasi yun palaisipan sa kaniya. Sa dami niyang iniisip, dumagdag pa'to. Huminto ito pero nakatalikod pa rin sa kaniya. She breathes deep. "I don't follow orders without knowing why." Dangerously, he turns to her. "Yet you did it anyway. You wiped your lips." Tinaas niya ang mukha at diretso itong tiningnan sa mata. "Nagseselos ka ba?" Nagtiim-bagang ito. In a low, but in a possessive tone, he speaks. "Nagpipigil lang. Di pa ako nagseselos sa lagay na'to, Marga. Ulitin niya... di ako magdadalawang-isip na isilid ka sa sako at buhatin pabalik sa Pilipinas. I can defy both Armed Forces of Scotland-Ireland and Italy. Tell that prince to stop touching you... or there will be hell." Tumalikod na ito ng tuluyan nang umalis. Iniwan siyang namumula ang mukha at nagiinit ang buong katawan. Margaret knew she's in trouble --- sweet trouble. . . Nagising kinabukasan si Margaret at bumungad sa kaniya ang mga trabahanteng nagpupulong sa may bench. All of them are listening to an architect and an engineer as they discussed a blue print. Nakita niyang nakatayo lang sa gilid si Isaiah na halatang kakagaling sa morning jog nito. Humikab siya at nag-inat ng katawan. "Mmmmm~" "Good morning, Princess." Bati ni Ussie. Niyakap niya ang babae mula sa likod at pinatong ang ulo niya sa balikat nito. "What are they talking about?" Lumapit naman si Jean na may dalang mga bagong tuyo mga damit. "They'll be surveying river on the south." "Jeeeeaaaannn~" Kay Jean naman siya yumakap sa likod. "A river?" Tumango si Ussie. "Yes. I've heard they want to connect the lake to that river. Kasi raw ang labasan ng ilog na iyon ay ang North Atlanic Ocean na raw." "Oh!" Biglang nawala ang antok niya at nilingon ito. "Tapos?" "Plano nilang ikonekta ang tatlong tubig para may dagdag panghanap buhay ang mga tao rito bukod sa pangangaso sa kagubatan." Ngiti ni Jean. "Pangingisda." She beamed with happiness. "Ow, talaga?! Magandang balita yan!! Posible ba?! Posible ba talaga?!!" Patalon-talon niyang tanong. "Princess..." Jean holds her arm. "Shhhh..." Patahimik nito sa kaniya. "But that's a good news!" "Marga." Boses ni Joaquin. Natigilan siya habang sikretong ngumingiti ang dalawang kaibigan niya. Paglingon niya'y nakatingin na pala sa kanila ang nag-me-meeting. Umatras siya at tumago sa likod ni Jean at Ussie. Napalakas 'ata ang boses niya. Nagtama ang mata nila ni Isaiah. Una itong nagbawi ng tingin at binalik ang atensiyon sa whiteboard. "Malakas ba boses ko?" Tanong niya sa dalawang katiwala matapos magsalita uli ang engineer sa harap. Humagikhik ang dalawa at tumango. . . Habang nakikipag-usap sa mga kababaihang naglalaba malapit sa fire truck na nagsusupply ng tubig, napalingon si Margaret nang dumaan ang maraming kabayong hawak hawak ang mga lubid ng isang binatilyo. "Para saan yan?" Tanong niya sa lalake. "Gagamitin raw nila ang mga 'to papunta sa b****a ng ilog, mahal na prinsesa." "Ha?" Agad niyang tinaas ang palda sa may tuhod. "Sama ako. Magkakabayo sila papunta roon?" Lakad nila papunta sa kampo. "Opo. Di mo makakapasok roon ang kotse eh kasi dadaan pa sila sa masukal na bahagi ng kagubatan." Sagot nito. "Ohhh..." Tango niya. Pagkarating nila sa kampo'y pinahiram ng binatilyo ang mga kabayo sa mga geologists at architects na sasama. Two on one horse, she immediately grabs Chomper and climbs on his back. "What do you think are you doing?" Tanong ni Joaquin sa kaniya na nakasakay na rin sa isang kabayo ng palasyo. "I'm going with you." Deklara niya. "Sasama ako." "Where not having some sight-seeing there, Marga. Dadaan kami sa bangin at ---- " "The more I wanted to come." She reins Chomper's rope. "I trust Chomper to bring me there safely." Napailing nalang si Joaquin at hinubad ang riding helmet nito sabay nilahad ito sa kaniya. "Well, at least wear this." She smiles. "Thanks." Kinuha niya iyon at excited na sinuot pero agad nawala ang ngiti sa mga labi nang makitang nakasakay si Isaiah sa isang puting kabayo habang nakayuko sa isang babae. Nakangiti pa ito. "Saan mo gusto sumakay?" Tanong ni Isaiah. Namula ang babaeng architect. "S-Sa likod nalang siguro." He chuckles. "Sa harap ka na sumakay. Dadaan kasi tayo sa matitirik na daan, baka di ko mamalayan na nakabitaw ka na pala." Kitang-kita ni Margaret na kinilig talaga ang babae na tumango. Bumaba si Isaiah sa kabayo at tinulungan itong sumakay. He held her waist and lifted her up. Nangitngit si Marga nang sumampa na rin si Isaiah. Bec. of his massive built, the woman seems tiny and fragile trapped between his arms as he starts to pull the horse rein. "Tch!" Niyuko niya si Chomper. "Unahan mo sila Chomper, narinig mo?" Baka kasi itulak niya ang babae pag nasa likod siya ng mga ito at nakasunod. At nagsimula na silang tahakin ang kagubatan papunta sa b****a ng ilog. The travel took an hour or so and it was not an easy trip. Talaga ngang matitirik ang mga daan at kung di ka marunong magmani-obra sa sinasakyan mo'y tiyak gugulong ka talaga sa mga matitirik na pangpang. The cliffs were not deadly, pero mauubos talaga ang oras mo sa pag-akyat palang para makabalik sa daan. The deeper they went into the woods, the thicker the trees and grasses are. 'I should have brought a jacket.' Yakap niya sa sarili. Maginaw pala sa loob ng kagubatan. Malayong-malayo pag nasa kampo ka na ang sobrang init. "Here." Bigay ni Joaquin sa puti nitong coat habang sinasabay ng kabayo nito ang lakad ng kabayo niya. "S-Sure ka?" Tanggap niya sa alok nitong damit. "Ikaw?" "I can manage. Sanay na ako sa malamig na klima sa Russia." Doon kasi nag-aral ng International Relations ang prinsipe ng halos limang taon. "S-Salamat." At sinilid niya ang iyon sa katawan. "Ohhhh~ heaven..." Gusto niyang matulog sa init na nagmumula sa jacket. Joaquin smiles looking at the princess' cute reaction. Sa likod nama'y tahimik lang na nagmamasid si Isaiah sa dalawa na nasa harapan nila. . . Upon exiting the forest, they are welcomed with the warm breeze from the sea. "Wow!!!" Manghang baba ni Marga sa kabayo. She took of her doll shoes and feels the white sand on her bare feet. "Ang ganda rito!" She shields her eyes from the intense sunlight to view the large body of ocean infront of them. They are looking on one of the largest oceans of the world – North Atlantic Ocean. Nilingon niya ang mga kasamahan na agad ginawa ang mga trabaho nitong suriin kung paano nila gagawin ang pagdutong ng lawa sa ilog at sa ilog papunta sa karagatan. She just enjoyed her time strolling the seaside and picking shining seashells. Pinusod niya ang buhok sa tuktok ng ulo ng basta-basta. Napadaan siya sa likod ni Isaiah na noo'y nakayuko sa blueprint. She stops upon smelling a scent. Nilingon niya ito. Aware of her stare, he turns to her. "What?" Ngumiti siya. He used the sunblock she gave to him last night. "Wala." At pinagpatuloy ang pagbabay sa tabing-dagat. . . Nakasunod lang si Margaret sa mga ito habang naglalakad papunta kabilang baybayin. She didn't bother listen to what they were saying since she's busy taking pictures of the beautiful scenery. The blue waters, the pristine white-sand, the scattered sea-shells. Bitbit ang dalawang sapatos sa isang kamay, para siyang timang na nakangiting kumukuha ng litrato. When was the last time she went to the sea? Oh, in the Caribbean's with the Miller. Tiningnan niya ang nakatalikod na piguro ni Isaiah. > "When you're afraid... always reach out and hold my hand." Napangiti siya alaalang iyon. Then they stopped. "Hmm?" Silip niya sa harapan at agad nanigas ang buong katawan niya nang may nakitang isang puting speedboat (speedboat) na nakaparada sa bayabayin. Humarap sa grupo nila si Eric na isang Scottish national na siyang tour guide sa pagpunta nila rito. "Sasakay tayo rito para makita natin ang kabuuan ng isla at ang baybayin nito. Para na rin masuri natin saan natin ipwesto ang pinaplano ninyong labasan ng ilog." Her feet froze as an old fear starts to creep within her. In a moment, the blue sea seems to be a monster waiting to eat her alive. Mabilis na rumirigodon ang dibdib niya. She steps back. Pero ba't ganun? Para siyang hinihila ng karagatan? Isaiah, hearing sounds behind him, turns to look at Margaret pale as a ghost. "Margaret?" Her eyes are teary as she looks at him. Agad naalala ni Isaiah ang takot nito sa dagat. He turns forward. "May I have a suggestion?" Napalingon ang di lalagpas sa sampung tao sa kaniya. "I suggest we use my chopper for the survey. I think it'll be best if we'll get an aerial view of the place." "Yeah right." Supalpal ni Joaquin sa suhestiyon niya. "You've got what? One helicopter and there's ... 8, 10 of us?" He tilts his head sideward, provoking the prince. "And you really think I only own one?" Lumapit ang prinsipe sa kaniya. "Last time I check, you only have one chopper available here in Scotland." "Libangan mo 'atang alamin ang tungkol sa akin, Joaquin. I have connections here in Scotland, if you're interested to know." "TAMA NA!!" Sigaw ni Marga para pigilan ang dalawa sa away-bata ng mga ito. "W-We'll use any transportation a-available. S-Sasakay ta-tayo sa speedboat." Surprised with his decision, he turns to her. "What the hell?" Joaquin smirks. "You heard the princess, Isaiah." Huminga ng malalim si Marga. 'It's time for me to face my fear of the ocean alone.' Napailing nalang si Isaiah. "Bahala ka..." Mahinang saad niya. One by one, they climb on-board. Joaquin lends his hand to Margaret to help her climb since she's the last person left. Habang nakasakay sa may unahan, tiningnan ni Isaiah si Margaret at ang nakalahad na kamay ng prinsipe. He looks towards the sea to calm his annoyed temper. Umiling si Marga at mahigpit na humawak sa railings. "I-I can manage." With knees shaking, she slowly climbs aboard. Halos kumawala ang kaluluwa niya nang maramdamang umalog ang speedboat. "You okay?" Tanong ni Joaquin. She nods and with two hands, she tightly holds on the railings as if her life is depending on it. Pilit niyang wag ilayo ang tingin sa berdeng mga puno sa unahan at wag titigin ang tubig-dagat sa ibaba nila. 'Calm down, Marga. Y-You're safe. You're safe... y-you're riding on a speedboat. Walang mangyayari sa'yo...' Then the speedboat reeves forward towards the sea --- away from the seashore. 'God... let me conquer my fear.' Pikit niya. . . On the middle of the deep sea, the speedboats engine was shut off as they we're now facing the wide shoreline. "Dito nakikita niyo na medyo hindi pantay ang sea-level doon, at sa kabilang panig." Saad ng isang geologist. "Base sa nakita naming land composition, medyo makapal ang buhangin doon." Turo nito sa silangan. "Sayang kasi yun ang mas malapit sa ilog." They start discussing about their plans. Nilingon ni Isaiah si Margaret sa likuran na noo'y nakatalikod sa kaniya at nakaharap sa karagatang dakong-yaon at namalayan niyang nakatingin sa kaniya ang prinsipe. 'Asshole.' Tsaka binalik sa harap ang atensiyon. Margaret looked at the blue, calm sea spanning infront of her. 'Yes, Margaret... Look, the ocean's not that bad. Your mind was just playing tricks on you.' Dahan-dahan niyang binitawan ang railings. 'Tama...' She looks at the horizon and nervously smiles. 'If cross that horizon... we'll I be back in the Philippines?' Nagsalita ang isang architect. "Pwede ba tayo pumunta roon." Turo nito sa direskyon na medyo malayo-layo talaga sa dalampasigan. "Just want to theorize measurements." Tumango ang driver ng speedboat at pinaandar ang makina. Margaret closes her eyes as a memory replays before her eyes. The blue sea turns into dark waves. Parang may naririnig siyang sumisigaw na patay na raw ang kasama niya kaya bumaba na siya sa kinatatayuan niya. Niyuko niya ang sarili. She's in the body of a young girl. "Wait... where am I ----" At nang biglang umandar ang speedboat ay di agad siya nakahawak sa railings dahilan para matulak ng pwersa ang katawan niya paharap. The next thing she knew, everything around her slows down as her body fell on the sea. . . The speedboat stops on their next destination. Mabilis na nag-diskusyon ang mga tao roon. Isaiah impatiently taps his finger on his lips. He turns to look at Marga ---- Lumingon siya sa kabilang bahagi ng speedboat. Wala ito roon. He turns on the other side, no sign of the princess. Humarap siya para tinginan baka di lang niya namalayang dumaan sa tabi niya ito at nakihalubilo sa kanila. But... Tumayo siya habang unti-unting nararamdaman ang kaba. "Where's Margaret?" Natahimik ang lahat at napalingon sa kaniya. Joaquin immediately scans the whole boat. Indeed, Marga was nowhere to be found. "Asan si Marga?" Doon na nataranta ang mga tao roon. "Princess!" In different tone of worries and concern they shout. "Princess Margaret!!" Agad lumapit si Isaiah sa pwestong huling nakita niya ito. Dinama niya ang railings. "She was s-standing here..." Tiningnan niya ang malawak na karagatan. "You were standing here, Margaret..." He tightly grips the railing. "Where are you..." Binalik niya ang tingin pabalik sa karagatan. "...where a-are you..." His heart won't stop thumping hard against his chest. Then his eyes caught something. Hinubad niyang pang-itaas at umakyat sa railings sabay nag-dive papunta sa dagat. Napalingon nalang sila nang makarinig ng ingay ng tubig. . . Margaret covers her mouth to conserve the oxygen left in her body. As the weight of her dress pulled her down deeper, she looks up to the surface. She shakes her head as bubbles and her red hair reaches out to sky – to escape. She can't move her body. She's too shaken and scared to move her body. > "Ellie!" Sigaw ni Marga habang nakatingin sa paligid niyang nagtataasang alon. "Ellie!! Saan ka!!!" > Elaine turns to her and smiles. Blue-eyes shining. "Do you want my doll?" She shuts her eyes as she thinks of an idea. Hinubad niya ang jacket ni Joaquin para man lang lumutang ito sa ibabaw at may makakita. 'I'm here.' Umubo siya nang unti-unting nauubos ang hangin sa katawan niya. 'Someone... Help...I can't swim...' She can't swim not because she was trapped with her heavy dress but because she was simply consumed by fear. 'Isaiah...' She calls his name as her vision starts to blur. She slowly closes her eyes as consciousness left her. On her last glance upward the sun. She saw a figure swimming towards her. > "When you're afraid... always reach out and hold my hand." Using her last strength, she reaches out... and finally he grabs her hand. . . Hinihingal na hinila ni Isaiah si Marga sa dalampasigan. He kneels beside her. "Margaret?" He hysterically holds her cold, pale face. "Margaret... come on." He holds her nose and performed a mouth-to-mouth resuscitation to transfer air on her body. "Marga..." He shakes her and performed CPR on the middle of her chest. "Marga... p-please.. wake-up!" Isaiah pushes her chest. "Marga... wake up! God..." He cups her face with his hands. "Isla..." He calls out. "Islanda... don't. Stay with me, babe..." No response. "ISLA!!!" "Ugh!!!" Ubo ni Margaret. "Ugh!! Ugh!!" Napayuko nalang sabay ungol si Isaiah. "Damn..." She gasps for air. "Haaa.... Haa.... Ugh! Ugh!" He rakes his finger on his hair. Sa mukha nito'y takot at kaginhawaan. "Don't scare me like that, Margaret." Bumangon ito at di pa rin makapaniwala sa nangyari. "I-Isaiah?" Anger washes over him. "WHY THE f**k ARE YOU SO STUBBORN, MARGARET!!" He slams the sand because of frustration and disappointment. "YOU COULD HAVE SAID NO!!! MAHIRAP BA ANG TUMANGGI AT PARANG ASONG ULOL KA NALANG SUMUSUNOD SA MGA UTOS!!!" Nakatititig pa rin ang bilog na mga mata ni Margaret rito. Namumula pa rin si Isaiah sa galit habang patuloy pa ring naglilitanya. > "Always remember my blue eyes everytime you look on the ocean, Isla." Napahikbi siya. > "When you get scared of the sea... remember this day. When you're afraid... always reach out and hold my hand." Dahan-dahang hinawakan ni Marga ang kamay nito. Isaiah stopped midway his speech. Tinitigan niya ang babae na umiiyak na nakayuko at nakahawak sa kamay niya. "I-Isaiah... I-I wa-was so scared... I was so scared..." Sinubsob nito ang mukha sa dalawang palad at doon na humagulhol. "I am so sorry... I can't swim. I-I am sorry, I was so weak" Hikbi niya. I'm sorry, I was so stubborn." Slowly, his anger melts away. She's still shaking with fear and here he was... shouting at her. "Margaret..." Hilam ang mukha nito ng luhang patuloy na umaagos sa mga mata nito. "Isaiah... I am scared... I am scared." Hinila niya ito at niyakap. "It's okay..." He tightens his embrace to let her feel she's safe and always safe in his arms. "I-I'm sorry." Patuloy na iyak ng babae sa balikat niya. "I-I'm sorry..." Hinawakan niya ang mukha nito at dinikit ang noo sa noo nito. "Listen... you don't have to face everything alone." She nods as she bellows another cry. "Isla..." Calling her of her old name. She looks straight into his blue-eyes. "I may not be a prince..." He wipes her tears with his thumb. "But I'll always be your in knight-in-shining armor." Humgulhol na tumango ang babae at niyakap uli ang lalake. Hinihingal na dumating sa dalampasigan sina Joaquin at mga kasamahan nila. Despite seeing an intimate scene, their sad heart goes to the princess --- shaking with fear, finding solace on her knight's arms. [NEXT CHAPTER PREVIEW pt. 1] Nakangiti si Marga habang nakatingin sa mga nagkakasiyahang mga tao na sumasayaw sa magiliw na tugtugin. Then a man clad in black kneels infront of her. "Can I take the hand of the princess for a dance?" Ngumiti siya. "Sorry. I really don't dance ---- " At natigilan siya nang nag-angat ito ng tingin. Sa likod ng maskara nito'y pares ng napakabughaw na mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD