Chapter 32: He Will Save Her Natapos nang makapagsarado ng deal si Lance sa kanilang guro sa General Chemistry. Kaya mula sa classroom na pinaglagian, ang sunod na ginawa ng apat na magkakabarda ay tinahak ang daang papuntang faculty office. Dito kasi nila balak na kitain ang lalaking paminsan-minsa ay kumakausap kay Lance para makumbinsi itong sumali sa naturang national quiz bee. “So ito pala ang itinutukoy mong back up plan,” mahinang sabi ni Denise. Ngunit sa kadahilanang magkatabi lang sila ni Lance ay alam niyang rinig ito ng binata. “Natatandaan mo pa ang tagpo kung saan pinauna kitang magpasa sa buckminister buckyball? Iyong may kumausap sa aking lalaki? Siya iyong umaalok sa aking sumali sa quiz bee.” “Ah… oo, natatandaan ko pa,” patango-tangong sabi ni Denise. She

