Chapter 38: Plot Twist “Tita, nasaan po si Lance?” tanong ni Jane Fitzgerald nang mapagbuksan siya ng gate ng mama ni Lance. Right after na mabalitaan nito na na-comatose si Lance-- mahigit isang buwan na ang nakakaraan-- ay parati na itong bumibisita sa ospital para alamin ang kalagayan ng binata. Ngayong gumaling na ito at na-discharge na, si Jane ay sa bahay na ng mga Vladimir pumupunta. “Ayun, gaya ng huli mong bisita, nagkukulong pa rin sa kanyang kwarto at naglalasing. Pumasok ka, Hija.” Ngumiti si Jane sa imbita ni Ancelia. Mula sa gate, sabay ang dalawa na tumuloy sa loob ng bahay. Pero si Jane na lang mag-isa ang umakyat sa second floor ng bahay. Sa second floor nakalagay ang kwarto ni Lance. Pagkasapit ng babae sa pintuan ay agad itong kumatok. “Sino iyan?” tanong

