Chapter 35: Guess Who’s Jealous? Inookupa ng anim na magkaklase ang isang canopy. Kasalukuyan ang mga ito nag-aaral. Sila ay sina Lance, Denise, Adrian, Cassandra, Kent, at Georgina. Mayroon kasi silang test mamaya sa isang major subject. Kailangan nilang maipasa iyon. Worth two weeks kasi ang assessment na ibibigay. “Lance, ano nga ito,” tanong ni Cassandra sa binata. Ipimakita nito ang kanyang hindi nauunawaan sa kinopyang notes. Dahilan sa si Lance ang pinakamatalino sa kanilang klase, siya ang ginawa ng mga kaibigan nito na tanungan. Kinuha ni Lance ang notes ni Cassandra. Pinagmasdan nito sandali ang tinutukoy ng kaklase. Alam nito ang sagot sa tanong ni Cassandra.Pinalapit niya ito sa kanyang kinauupuan. Pinaliwanag ng binata kung bakit naging ganoon ang isang bahagi ng solut

