Chapter 7: The Date Isang araw ang lumipas at ngayo’y Huwebes na. Dahil sa whole-day vacant ito ng section ME1-C, alas otso na ng umaga ngunit tulog pa rin si Denise. Ilang gabi rin kasi siyang kulang sa tulog dahil sa pagpupuyat. Lahat ng mga iyon ay may kinalaman sa pag-aaral. Bilang ngayong araw ay wala silang klase, marapat lang na makapagpahinga ito nang maayos. Bukas, Biyernes, ay may pasok na naman ulit. Sa Sabado naman ay ROTC niya. Bale, kapag natapos na ang araw na ito, ang sunod niyang free-day ay Linggo na. Patuloy na natutulog nang nakatagilid si Denise. Nang makaramdam ito ng hindi pagkakumportable sa posisyon ay agad itong napaharap sa kabilang banda. Unconscious na dinampot ni Denise ang isa sa mga unan para ilagay sa pagitan ng mga tuhod. Mamaya pa ang lakad nito.

