Chapter 59 THEODORE... "HINDI ibig sabihin na okay na kayo ng ama mo okay na rin tayo Theodore. I hope you're seeing the picture in here. Hindi gano'n kadali ang gusto mong mangyari," simula ng tatay ni Tin-tin nang nasa labas na sila ng bahay. Inaasahan naman na niya iyon ang sasabihin nito. "Alam ko naman po iyon, isinama ko lang naman po ang ama ko para pormal na mamanhikan," he said. Huminga ng malalim ang Mommy ni Tin bago tumingin sa tatay niya. Pero hindi ito nagsasalita, nakatingin lang ito sa tatay niya na gano'n din ang ginagawa. Bakit may pakiramdam siyang magkakilala ang dalawa. "Buong akala ko talaga nagkataon lang na kamukha mo siya at kaapelyido mo Pa," ani ng Mommy ni Tin-tin after a few minutes of silence. This time parang may gustong sabihin ang daddy niya

