Chapter 32 TIN-TIN... "KAILAN MO BALAK MAGPAKASAL?" Alam niya sinabi niya kailan Lang na hindi niya tatanungin si Theodore nang tungkol sa kasal. Pero sa paraan ng pagtatanong niya ngayon, para siyang desperadang babae na naghahabol sa lalaki. She sounded like she's the one asking for marriage, kulang na Lang singsing at lumuhod na siya para tanungin si Theodore ng kasal. "Hmmm, matagal pa." Pinigilan niya na manlaki ang mata niya, maging ang ipakitang disappointed siya sa naging sagot nito sa kanya. Pilit siyang ngumiti at kunwaring hindi interesado sa naging sagot nito. Nasa San Andres sila ngayon para bisitahin ang mga magulang niya. Ngayon ay nasa ilalim sila ng punong manga para magpahangin dahil katatapos Lang nilang kumain ng tanghalian. Alam na ng mga magulang niya

