Chapter 73 THEODORE… HINDI naging madali ang lahat, Desiree doesn’t want to let go her mother. Hindi nito gusto ang idea na patay na ang mommy nito. At her age alam na ni Desiree ang ibig sabihin ng patay, and that’s make everything in chaos. Hindi nangyari ang plano ni Ralph nang hindi pumayag si Desiree na patayin ang life support ni Weng. Umabot na nang ilang araw ang negosasyon nila Ralph at Desiree. Hanggang ngayon hindi pa rin pumapayag ang bata. “Papa,” malungkot na tawag sa kanya ni Desiree. Ito lang ang bumisita sa kanya ngayon, wala ang daddy Ralph nito o ang mismong tatay niya na siyang tumitingin sa bata. Inilahad niya ang mga kamay para ayain na yakapin siya nito, na hindi naman siya nagdalawang salita sa bata. Agad itong tumakbo para yakapin siya ng mahigpit. Parang pin

