Chapter 18 KANINA PA patingin-tingin sa kanya si Boyong. Mula sa bahay ng mga ito hanggang sa papasok ng sementeryo. It's November 1, at sa Pilipinas tradisyon na magpunta ng sementeryo kapag November 1 para bisitahin ang mga yumaong kapamilya. That's a typical Filipino, pero siya wala siyang natatandaan na dumalaw siya sa sementeryo mula nang magka-isip siya. And Tin-tin is in the cemetery right now. Kaya sila papunta ni Boyong sa sementeryo. Tama siya nang hinala na sa San Andres lang maglalagi ang dalaga sa ganitong pagkakataon. Nasa entrance na sila ng sementeryo, maraming tao as he expected. Nahuli na naman niyang luminga sa kanya si Boyong. Nagtataka na talaga siya, hindi naman kasi ito nagsasalita pero tingin nang tingin sa kanya. "May problema ba?" Hindi na siya nakati

