Chapter 63 TIN-TIN... TINITIGAN niyang mabuti ang asawa niya na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Nang masiguro niyang tulog na tulog na ito saka lang siya dahan-dahan na tumayo para kunin ang cellphone niya. Kinuha niya ang number ng Tita ni Theodore. Isinave niya sa sarili niyang phone ang number nito bago nahiga sa tabi ng asawa. Nilingon niya ulit ang asawa niya ng tumagilid ito ng higa at yakapin siya. Akala niya nagising ito pero mukhang malalim talaga ang tulog ni Theodore ngayon. Pansin niya pa na napapaungol ito habang ang lalim ng paghugot ng hininga nito na parang himihilik. Usually Theodore is not a heavy sleeper, konting ungot lang niya nagigising na ito agad. Lalo pa ng katabi na nilang matulog ang anak nila. Madalas si Theodore ang nagigising sa gabi para tignan ku

