Chapter 22 THEODORE... TAGAKTAK na ang pawis niya sa buong katawan. Halos naliligo na siya sa pawis umagang-umaga pa lang. Kung siguro hindi siya determinado sa ginagawa niya kanina Pa siya nag-back out. "Theo, halika na muna at magpahinga ka na muna. Magmeryenda ka na rin," aya sa kanya ni Tita Mercy ang nanay ni Tin-tin. Iniunat niya ang likod niya sabay tingin sa katabi niyang hindi man lang natitinag sa ginagawa. Parang galit na galit pa ito habang nagtatanim. "Tito Heracio, meryenda na raw po." Tawag niya sa ama ni Tin-tin na kasama niyang nagtatanim ng palay. Pero hindi siya pinansin ng matanda at tuloy lang sa pagtatanim. Ang seryoso nito habang parang gigil na gigil na nagtatanim. "Hoy! Mahal, tama na iyan at magpahinga ka na!" Sigaw ni Tita Mercy sa asawa niya. Nagulat s

