Chapter 54 THEODORE... HIS FIRST NIGHT in Tin-tin's house here in California is frustrating. Bukod sa may jet lag na siya, frustrated pa siya na nasa isang bubong lang silang mag-anak pero nasa magkakaibang kwarto silang tatlo. Unlike noong nasa San Andres sila, maliit lang ang bahay niya pero magkakasama sila palagi. Sa isang kwarto sila natutulog na buong mag-anak. Katabi niyang matulog ang mag-ina niya. Hindi tulad dito na nasa guest room siya sa tabing kwarto niya si Nathan at sa ibang kwarto naman si Tin-tin. Madaling araw na pero hindi pa siya makatulog. Dapat nga tulog na siya ng mga oras na ito dala ng pagod sa mahabang biyahe at sa time difference ng dalawang bansa. Pero hirap siyang makakuha ng tulog, tulad na lang ng mga nakaraang araw. Nakakatulog lang siya noon kapag

