Chapter 24 TIN-TIN... AWKWARDNESS is under statement on how she feels right now. Pero hindi siya nagpapahalata, lalo at nakatingin ang mga magulang niya. "Wala po talagang nangyari," sagot ni Theodore sa tanong ng daddy niya na paulit-ulit na nitong sinasagot. Her father is asking them what they did in Manila and why their together in one house. "Lalaki ako Theodore, at alam ko ang likaw ng bituka ng mga kauri ko. Maganda ang anak ko, mabait at talagang habulin ng mga lalaki. Kaya uulitin ko, may nangyari ba sa inyo ng anak ko sa dalawang gabi na magkasama kayo sa iisang bubong?" Pag-uulit na naman ng daddg niya tanong nito. Napalingon siya sa katabi, malalim kasi itong napabuntong hininga na para bang nagtitimpi na lang ito sa kakulitan ng tatay niya. Ito namang tatay ko, maga

