Chapter 75 TIN-TIN… MATAAS na ang sikat ng araw, mainit na rin ang panahon. Pero kailangan niyang lumabas ng bahay para dalhan ng makakain ang kaniyang asawa sa bukid. Kasama nito ang kaniyang biyanan at ang kapatid nitong lalaki. Maging ang asawa ng kapatid ni Teofelo na si Ate Leonora ay na sa bukid din ng mga sandaling ito. Magkakasama sa iisang bahay ang buong pamilya De Asis. Ang nalayo lang kung malayo bang maituturing ang kabilang bahay ay ang pamilya ni Leonora. Mas napili kasi ng asawa nito na ipagpatayo ng sariling bahay ang huli. Sa halos isang linggo na kasama niya ang pamilya niya, masasabi niyang masaya naman ang pakiramdam niya na kasama sila. “Angelina, napapansin ko na masyado ka yatang tahimik nitong mga nakaraang araw,” ani ng kapatid ni Teofelo. Magkasama silang

