Chapter 66 TIN-TIN... ANG AGA-AGA wala na sa tabi niya ang mag-aama niya. To think that it's only six in the morning. Hindi naman siya natakot o ano, alam naman niya kung saan niya makikita ang mag-aama niya. Sa ganitong kaaga nakatambay ang tatlo sa likod bahay nila. Sa may babuyan. Tuluyan nang naging babuyan ang likod bahay nila. Pero maliit Lang ito compared at their real piggery located at their farm. May three hundred head sow ang asawa niya, plus a thousand heads of fattener. Doon na nag-focus si Theodore as his main bread and butter as he quote it. Mas malaki naman talaga ang kita. Hindi na nahihiya si Theodore na gamitin ang pera na ibinigay niya dito dati. Sabi nito ginagamit nito ang pera hindi para sa pansariling kapakanan. Ginagamit niya ang pera para sa kinabukasa

