Chapter 34 TIN-TIN... NAKATITIG SIYA kay Theodore na busy naman sa pag-aasikaso sa kanya. Maaga itong umuwi kagabi, nauna lang siya ng ilang minuto dito sa pag-uwi. Ang buong akala niya hindi na naman niya ito masisilayan ngayon umaga pero heto nga ito ngayon at inaasikaso siya ngayong umaga. "Baby, baka matunaw naman ako sa titig mo sa 'kin," pabirong turan nito nang malingunan siya nitong nakatitig dito. Hindi siya nagsalita at umiwas na lang ng tingin dito. Napatingin na lang siya dito ng makita niyang inilapag na nito ang mga plato sa harapan niya. Ito lahat ang nagluto at nag-ayos ng kakainin nila ngayong umaga. "Baby, ano pa ang kulang para sa kasal nating sa linggo? Nag-leave na ako kaya masasamahan na kita ngayon na mag-ayos. Okay na ba iyong invitation? Sorry pala kasi hi

