Kabanata 14: "Ahm. Okay na?" ilang na tanong ni Riley kay Trigger habang nakayakap ito agad naman kumalas ang lalaki at ngumiti bago bumalik sa paghihiwa ng rekado para sa spaghetti na lulutuin nito para sa dinner nila. He looked so professional, his hand moved so fast and calm. Ilang minuto rin ang nakalipas bago ito natapos tinulungan pa niya itong maghain sa lamesa bago sila sabay na kumain. Naging tahimik naman habang kumakain sila hindi naman niya alam kung ano ang dapat sabihin dito. "So, I'm here to document your life for one week basta huwag mo lang akong pansinin kung may mga bagay kang dapat asikasuhin dito nandito ako para tingnan ka at gumawa ng article." panimula niya pagkatapos nilang kumain. He leaned back to his chair and sipped his coffee while looking at her intently

