KABANATA 6

1283 Words
Kabanata 6: "Congratulation Miss Sandiego you got to interview the mighty and deadly Mr. Gustamano!" pagak na bati ng kaniyang boss. Napangiwi naman siya sa sinabe nito sa binata sa totoo lang ay hindi naman ganon kasama ang ugali nito katulad ng mga nasa balita. "Thank you so much Boss." aniya at ngumiti. "I'll call you pag napublish na iyong ginawa mong article tungkol sakaniya. You did a great job this time. I'm very impressed." anito para naman may humaplos sa puso niya sa sinabe nito. Ilang sandali pa ay nagpaalam na 'din siya sa boss niya at napapunta sa banyo para mag retouch wala naman na siyang gagawin sa kumpaniya baka umuwe nalang siya sa bahay niya. Inilabas niya ang cellphone at napatitig sa wallpaper niya sa cellphone. It's her and Trigger they looked so happy in the picture. Kahapon kase ay noong pauwe na siya ay inihatid pa siya nito at ipinasa sakaniya ang mga picture at ito mismo ang nagpalit ng wallpaper niya. Instead of changing the wallpaper she love it. Hindi na niya inalis maganda naman eh. Kaso ngayon napatitig ulet siya dito ay may guilt siyang naramdaman. Why the hell she's so attractive to that man? Isang beses pa lang naman niya itong nakikita kung makaasta siya parang close sila. She let a hard breath before dialling Cadrius number. Her fiancè. Wala pang tatlong ring ay sumagot na ito. "Hello sweetheart?" napangiti siya ng marinig ang boses ng kasintahan niya. "Hey sweetheart, kamusta?" pinilit niyang pasiglahin ang boses kahit sa totoo lang ay nakukunsensya siya. She felt like she's cheating on him. Pakiramdam niya 'yung pagyakap niya sa lalake kahapon ay niloko na 'din niya ang lalake. "I'm good, and you? How's your project sweetheart?" tanong nito sakaniya kinagat niya ang ibabang labi bago bumaga ng hangin at sinukbit ang bag at lumabas sa restroom. "Naging maayos naman. Kailan ka uuwe dito?" tanong niya. Cadrius is in Italy may inaasikaso 'daw kase ito doon. Halos isang linggo na 'din doon ang kasintahan kaya namimiss na niya ito. She heard him let out a hard breath. "I don't know yet sweetheart madami kaseng pinapagawa ang boss ko rito. But I promise I'll make it up to you when I got home." malambing ang boses nito na lagi naman nitong ginagawa. Cadrius never shout at her kahit kailan ay hindi siya nito pinagtaasan ng boses. "Okay I understand. Take care there, I love you Cad." paalala niya. Ilang sandaling natahimik sa kabilang linya bago sumagot ang binata. "I love you too Riley. Sige na may trabaho pa ako. Bye!" anito at namatay na. Ibubulsa na dapat niya ang bag nag tumunog ito at tiningnan niya ang nagtext. "I'll arrive at the airport at 1 pm. Make sure to pick me up!" Napairap siya sa nabasa. Tiningnan niya ang wrist watch at isang oras nalang naman at alauna na kaya naman pumunta na siya doon para sunduin ang nagtext sakaniya alam naman niyang wala siyang choice kahit umayaw siya ay sa bahay pa 'din niya ito tutuloy. Ilang sandali pa ay nasa airport na si Riley at napangiti ng tumatakbong lumapit sakaniya ang kaibigan. "Riley! Omg!" sigaw nito at dinambahan siya ng yakap. She hugged her back. Her bestfriend galing kase itong Cebu mas doon naglalagi ang pamilya nito at dahil naboboring na 'daw ang kaibigan doon ay lumipad ito pa Manila para puntahan siya. "Why you're so hyper Sylvia?!" natatawag aniya at tinulungan ang kaibigan sa bagahe nito. "I'm so excited to see you. You look good and please stop calling me Sylvia just Sylv okay?" anito at ginulo pa ang buhok niya kaya natatawang napailing nalang siya ng sumakay na sila sa kotse niya. Mabilis ang naging biyahe wala itong tigil sa pagdaldal ng kung ano ano. Minsan tungkol sa pamilya sa Cebu pero mas madalas ay ang mga kalokohan nito. Pagpasok nila sa bahay niya ay agad itong sumalampak sa sofa niya at masayang inilibot ang paningin nito sa mga gamit niya habang siya naman ay nanlalambot na umupo sa single sofa at tinanggal ang suot na boots. Napatigil ang tingin ni Sylv sa picture nila ni Cadrius na nasa estante napanguso pa ang kaibigan animong hindi magustuhan ang nakita. "Kayo pa 'din ba ng hilaw mong syota? I told you hindi maganda ang pakiramdam ko diyan sa Cardo na iyan." anito kaya binato niya ito ng tissue dahil wala talagang filter ang bibig nito. "It's Cadrius and mabait naman siya. Just give him a chance hindi mo pa lang siya nakakasama kaya mo iyan nasasabe Sylv." pagtatanggol niya sa kasintahan niya. Umirap ang kaibigan dahil sa sinabe niya "If you say so. Basta sinabe ko na tapos na! Who you ka talaga sa akin pag niloko ka niyang lalake na iyan maniwala ka sa akin malakas ang pang amoy ko sa mga cheater." Anito na animong siguradong sigurado. Hindi nalang niya sinagot ang kaibigan alam naman niyang hindi iyon magagawa ng kasintahan. He love her so much iyon ang sabi nito kaya nga sila magpapakasal eh. Mabilis na lumipas ang oras sa guest room niya pinatulog ang kaibigan habang nagsusuklay ng buhok sa kwarto niya ay tumunog ang cellphone. Her forehead turned into creased when she saw an unknown number. From: Unknown Why are you up late? Napakurap-kurap siya dahil sa text na ito malabong ang kasintahan iyon dahil nakasave ang number nito at kung magpapalit ito ay sasabihin sakaniya. Iniisip niya kung sinong pwedeng magtext sakaniya ng biglang tumunog ulit ang cellphone. From: Unknown It's Trigger. Text ulit nito. "Why is he texting me? Saan naman kaya nito nakuha number ko?" bulong niya sa sarili at napaisip kung paano nalaman ng lalaki na gising pa siya. Hindi naman 'din niya natatandaan na ibinigay niya ang number niya rito. Nagulat siya ng may nagtext ulit. From: Unknown If you don't message me I'll go there I swear. Napaawang ang labi niya baka naman nawrongsent lang pero bakit may pangalan pa niya talaga. "Anong problem nito?" tanong niya sa sarili bago mag type ng reply nito dahil baka totohanin nga nito ang sinabi. NAKAPALUMBABA si Trigger sa study table niya habang nakatitig sa cellphone kaya naman hindi makapaniwalang nakatitig sakaniya ang butler niya. Trigger murmured something parang kinakausap nito ang sarili kaya napapailing nalang ang alalay sa ginagawa ng Master niya. Bahagyang nagulat si Butler tom ng sumulyap sakaniya si Trigger at ibinalik ang atensyon sa cellphone animong may hinihintay. "Butler tom, how can I talk to a woman without feeling awkward? I mean I don't want her to feel awkward." tanong ng binata. "Erm? Just ask her a simple question first Master." sagot nito. Tumango si Trigger pagkatapos ay nagtype ng text. "Are you sleeping?" Mariin nakatitig si Trigger sa cellphone. Wala pang isang minuto ay tumunog ito kaya napabalikwas siya ng upo sa swivel chair niya sa harap ng study table na nasa kwarto niya. "I'm not in the bed yet, Saan mo po nakuha number ko?" Mabilis na napatayo si Trigger at malakas na tumawa dahilan para literal na mapanganga si butler tom sa inaasta ng amo. This is the first time he saw his master laughed. "She answered me! Butler tom! She replied my text! Damn." natatawang usal ni Trigger bago nag type ulit nang reply animong highschool na nireplyan ng crush. Kitang-kita ni Butler tom ang saya sa mukha nito. Hindi na 'din niya maiwasan ang hindi mapangiti. Ilang taon na ang nakalipas nang makita niyang ngumiti ang amo. It's almost ten years. He was a happy man back then 'yung pala ngiti at tumatawa palagi. That was the time when he's not broken. The time when his Wife is still alive. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD