Kabanata 1:
"This is the folder Miss Sandiego, you can review the basic information about Mr. Gustamano, just one interview about his life. Siyempre 'yong mga interesanteng bagay, ikaw na ang bahala roon."
Hindi pa rin mawala sa isip ni Riley ang sinabi ng kaniyang boss. Paulit-ulit iyong nagrereplay sa utak niya kagabi ay halos hindi siya makatulog sa kakaisip paano makalapit sa lalake.
Just one interview then I'm free.
Pagkatapos nito ay paniguradong tataas ang sahod niya pati ang trabaho niya.
Napatingin siya sa mataas na building. The Gustamano Company, ni hindi naman siya nahirapan malaman kung nasaan ang kompaniya na ito unang una ay makikita mo agad ito dahil mataas at may malaking pangalan sa harapan.
"Perfect!" ani Riley pagkatapos niyang maglagay ng liptint habang nakatingin sa rearview mirror.
Kailangan niyang maging presentable lalo't malaking tao ang kakausapin niya. Hindi na ito katulad ng mga dating iniinterview niya na mga nagtitinda sa palengke o kaya mga driver ng jeep haharap siya ngayon sa mga matataas na tao siya.
Taas-noong papasok siya sa building pinasadahan pa niya ng tingin ang suot niyang blouse at pantalon. Huminga siya nang malalim at matamis na ngumiti sa guard.
"Good Morning po," aniya at ang lakas ng kabog ng puso niya habang pinapanalangin na hindi siya harangin ng mga ito.
"Miss bawal po kayo sa loob." Mariin siyang napapikit dahil sa sinabi ng Guard.
Alam naman niya iyon, bawal ang hindi nagta-trabaho dito kung papasok ka ay dapat may pahintulot o kaya may appointment.
Napalabi siya at humarap sa guard. "Kuya papasukin niyo na ako kailangan ko lang makausap ang boss niyo. Kahit five minutes lang," aniya at nagpaganda pa siya ng mata baka sakaling umubra pero kumunot lang ang noo ng guard.
"Bawal talaga Miss kami ang malilintikan kapag pinapasok kita at saka hindi mo gano'n makakausap basta-basta si Boss," anito at iiling-iling.
Humugot siya ng isang malalim na hininga bago mabilis na tumakbo papasok ng building. Narinig pa ni Riley na sumisigaw ang guard.
"Miss! Bawal kayo diyan! Miss! Habulin niyo 'yon!" sigaw nito at mas binilisan niya ang pagtakbo dahil alam niyang madami ng guard ang humahabol sa kaniya.
"Maryosep! Bakit ba ako nag heels!" hingal na usal niya habang tumatakbo mabuti nalang at sanay siya sa takbuhan lalo't lagi siyang hinahabol ng aso ng kapit bahay niya.
Dahil hindi gumana ang unang plano niya na papasok rito ng tahimik ay gagamitin na niya ang plan B.
Mabilis niyang kinuha ang wig at malaking itim na salamin. Mabilis niyang sinuot iyon.
Nagliwanag ang mata niya nang makakita ang pasarang elevator. Kailangan niya lang makapasok doon tapos ligtas na siya sa mga guard.
"Oh my God! Teka! Teka!" sigaw niya nang akmang sasara na ito, mabuti at may humarang ditong kamay para maka-abot siya.
"Hah! Thank you!" Napabuga siya ng hangin nang sumara na ang elevator at nakapasok siya napakapit pa siya sa gilid dahil hinihingal na talaga siya. Parang nakahinga siya nang maluwag dahil natakasan niya ang mga guard sa ibaba.
Kung may nag-aabang man sa itaas sakaniya at doon nalang siya iisip ng paraan paano iyon malulusutan ang mahalaga ay nakapasok na siya sa Gustamano Company.
"What floor?" Napabaling siya sa baritong boses, ang lalaking pumigil ng pagsara ng elevator kanina.
Napakurap-kurap siya ng makita ang isang matangkad na lalaki nakapamulsa ito at maganda din ang suot.
So sexy!
"Hey," anito sa kalmadong boses at pumitik pa sa harapan ng mukha niya dahilan para mapakurap-kurap siya.
Shit! Nakakahiya ka Riley.
Kastigo niya sa isip at tumikhim. "Hindi ko sure anong floor, pero sa floor ng CEO," sagot niya dito.
Bahagya niyang inayos ang shades niya, kahit titigan niya ito ay hindi nito mahahalata. Tinabing pa niya ang pekeng blondeng buhok para sa disguise niya.
She needs to act like normal worker here, dapat ay hindi mahalata ng gwapong lalaki na ito na siya ay isang pangahas na pumasok lamang dito.
Bahagyang pinasadahan siya ng tingin ng lalaki bago ito pumindot sa mga numero doon sa sobrang dami ay nakakahilo na itong tingnan.
'Umayos ka Riley, oras ng trabaho.'
Sigaw niya sa isip at pilit iniiwas ang tingin sa lalaking kasabay niya sa elevator. Napakagat siya ng ibabang labi ng maamoy ito. Jusko ang rupok ko talaga pagdating sa mababangong lalaki.
Iyon kasi ay isa sa mga gusto niya sa isang lalaki yung mabango kahit natural naamoy.
Nang bumukas ang pinto ay agad siyang naglakad palabas at naghanap ng matataguan. Kailangan niya din mahanap ang office ng CEO.
"Iyon yong babae!" narinig niyang may sumigaw sa likod niya kaya mabilis siyang tumakbo at pumasok sa isang kwarto nagtago siya isang aparador doon.
"Lord, tulungan mo ako makalabas ng buhay." bulong niya dahil sobrang lakas ng kabog ng puso niya ang gusto lang naman niya ay maka usap ang CEO.
Pero napaka tanga tanga talaga niya paano niya ito makakausap kung walang pahintulot, kung daanin ko kaya sa dahas? Napailing siya sa naisip.
Pagkaraan ng ilan minuto ay narinig niyang bumukas ang pinto sa labas ibig sabihin ay may pumasok dahil may mga narinig din siyang yabag ng sapatos.
"Master, mayroon daw pong nakapasok na reporter hinahanap na ng mga guardya." Narinig sabi ng isang lalaki nakagat niya ang ibabang labi.
"Send someone to get whoever it is then send to me in my office." Napakunot ang nuo niya dahil parang narinig na niya ang boses na ito.
Ilan sandali pa ay nawala ang mga boses at narinig niyang pagbukas at sara ng pinto.
Mabilis siyang lumabas doon para makalabas. Sobrang lakas ng kabog ng puso niya. Paliko na sana siya sa isang pasilyo doon ng makabunggo siya ng isang tao.
"Huli ka! Pinagod mo kami!" halos kilabutan siya ng ang mga guardya ito.
Walang sabi-sabing kinaladkad siya ng mga ito papunta sa isang kwarto.
-----•••-----